Chapter 14

78 28 37
                                    

"I hope you will not think bad about me as I am the next ruler of this bloodline."

MALALIM ang aking bawat paghinga habang binabaybay namin ang madilim na daan palabas ng North Gate. Paulit-ulit sa aking isip ang sinabi ni Fabian. Kinakabahan ako hindi dahil sa maaaring bumungad sa akin sa lugar na pupuntahan namin kung hindi dahil sa maaaring maging tingin ko kay Fabian pagkatapos nito.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaroon ng takot, na para bang ayaw ko nang malaman pa kung anong naroon. Pero hindi dapat ako magpaapekto. Kailangan kong kayanin ito.

Nasilaw pa ako nang bahagya nang sa wakas ay narating namin ang dulo ng tunnel. Pero sa pagbabalik nang aking paningin mula sa pagkasilaw ay ganoon ang pagkagimbal ko sa nakita ko. Nanlaki ang aking mga mata habang inililibot ang tingin sa paligid.

Ang mga kalalakihan ay nakaposas ang mga kamay at paa habang nakapila at naglalakad papasok sa mga maliliit na gusali. Walang saplot ang mga ito at nakatakip ng sako ang mga ulo. Kahit na sapin sa paa ay wala itong mga suot! Ang mga tumatanggi ay kitang kita ko kung paano hatawin ng latigo habang pwersahang hinihila at ipinapasok sa loob ng magkakahiwalay na gusali.

Ano ito? Bakit nila ginagawa ito? Mga bampira ba sila? O mga tao?!

Sa kabilang banda ay mga kababaihan naman. Nakausot ng puting damit ang mga ito at halos ulo lang ang makikita. Balot na balot ang mga katawan nila at maingat na ipinapasok sa mga gusali. Hindi ko naiintindihan. Anong ginagawa nila sa mga ito?

Huminto ang sasakyan namin nang sumenyas ang isang lalaki kasabay ng pagbukas ng pinto ng isang gusali na kudrado ang itsura. Nang makita kung ano ang nanggaling doon ay halos maduwal ako at maiyak.

Mga babaeng walang saplot at nakabitin patiwarik sa isang bakal na poste! Duguan ang mga ito at kitang kita ko ang kulay mamula-mulang bagay na nakasabit doon. Maliit lamang ito na parang kasing laki ng puso ng tao. Pero hindi ako maaaring magkamali.

Ang bagay na iyon, ay isang sanggol.

Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko kung hindi lang ako hinawakan ni Fabian. Tinignan ko siya subalit hindi siya lumingon sa akin bagkus ay diretso lang ang tingin sa daan. At nang makalagpas ang nagtutulak ng bakal kung saan nakabitin ang mga babae ay dumiretso na ang sasakyan.

"There are so many things that we need to sacrifice for this bloodline to stay in order." sambit ni Fabian nang itigil ang sasakyan sa isang gilid.

"Mga tao sila. Saan sila galing?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Hindi pa rin matigil ang aking luha sa mga nakita ko.

"From different cities. Some were kidnapped, some were made." sagot ni Fabian.

"Hindi ito ang tradisyon na itinuro ninyo sa mga baryo namin." giit ko. Galit ang namumuo sa aking dibdib. Galit para sa mga inosenteng taong nadamay dahil sa kasakiman ng mga Monteriego.

"We can't say things that a poor, uneducated man doesn't understand." sagot sa akin ni Fabian. Dahil doon ay hinarap ko siya.

"Your stupid greed and selfishness taught us that being born in that poor village is a payment for a debt that no one can ever explain. Lahat sa baryo namin ay binalot ng takot na tumakas sa puder ninyo dahil ang turo ninyo ay kailangan makabayad kami sa inyo. Isang pagkakautang na hindi namin alam kung saan nagmula. At kung kailan pa ba mababayaran. Ganito ba ang ibig sabihin ninyo sa pagiging parausan ng mga hindi napili bilang bride? Ganito ba ang ginagawa ninyo sa mga kababaihang kinukuha ninyo taon taon? Hindi na kayo nakuntento at ngayon ay may mga kalalakihan na rin kayong kinukuha sa mga pamilya nilang hindi makapagreklamo dahil walang pinag-aralan!" I bursted out. Taas baba ang dibdib ko dahil sa aking mabigat na paghinga.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon