Chapter 12

88 34 59
                                    

"Because you sound like a jealous-

-wife."

Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya. Anong selos ang pinagsasasabi nito? Bakit ako magseselos? Gusto ko ba siya? Hindi naman ah!

"Of course I am your wife. Am I not?" Tanong ko sa kaniya. Ngayon hindi na lang ako kay Lucia naiinis, pati na rito sa lalaking ito.

"You are. And you're jealous." Pilit ni Fabian kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I said I am not jealous! Ang kulit mo naman!" I yelled. Naiinis na talaga ako.

"So, kung hindi ka nagseselos, bakit ka nagagalit? Ikaw na nga itong nanakit sa kaniya, ikaw pa ang galit ngayon." He asked. Still calm.

"Tinawag niya akong bobo, stupid, mangmang at parausan mo. Pinamukha niya sa akin na kaya niyang ibigay sa iyo 'yung bagay na hindi ko kaya. Ano sa tingin mo mararamdaman ko?" Bulalas ko. Hindi naman siya sumagot.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto.

"Alam ko naman ang lugar ko rito. Alam ko namang kapag nabigay ko na ang kailangan mo sa akin, paalisin mo rin ako. Hindi ninyo na kailangan apakan ako ng ganoon. Bakit? Dahil mayaman kayo? Makapangyarihan kayo? Sabagay hindi mo ako maiintindihan kasi you never experienced being judged like that just because you're poor." Sabi ko bago tumalikod sa kaniya at nahiga.

"Kung ganito rin ang ginawa mo kay Yvette, then, fuck you for being such a jerk." Dugtong ko.

Alam kong magmumukha akong pathetic dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko kayang manahimik. Hindi ako pinatapos ni Tito Kris ng pag-aaral para lang mag-api apihan sa Lucia na iyon.

Walang isinagot si Fabian sa sinabi ko, at ako? Pinatulog na lang ako ng sama ng loob.

WALA na si Fabian sa kwarto ng magising ako. Tinanghali na rin pala ako ng gising. Napabuntong hininga naman ako ng maalala ko ang ginawa ko kagabi. Bad shot. Hindi ko na dapat pinagsasabi pa iyon. Sa susunod talaga hindi na lang ako magsasalita kapag naiinis ako. Napakamot ako ng ulo at tinignan ang cellphone ko. Nakita kong may text message si Dr. Lionel.

"Meet me at the laboratory later."

Isa pa itong si Dr. Kristina. She is very weird. Bigla na lang siyang lumabas out of nowhere at kine-claim pa niyang nasa West Gate si Ate. But how? West Gate is closed. Pinaglololoko niya ba ako? She keeps on saying that I should help my sister. Pero hindi naman ako nagbe-benefit sa ginagawa niya.

But what if totoo ang sinasabi niya? Kung totoo ang sinasabi niya, dapat ko lang talagang sundin ang mga plano niya. Pero paano kung hindi? Mappaahamak ako panigurado. Argh! Nalilito na ako. Wala talaga akong maaring maging kakampi rito. Lahat na lang ay may hidden agenda. Lahat may tinatagong katotohanan.

Pagkabasa ko ng message ay tumayo na ako at nag-ayos. Nagpakuha na lang din ako ng pagkain kay Martha. Heto na naman ang daily routine ng pagiging mag-isa sa palasyo at walang kausap. Hindi ko pa naman nakuha ang number ni Silvano para sana tanungin kung kailan ako ulit pwedeng sumama sa lakad niya.
Next time hindi na ako magpapaalam kay Fabian. Isa pa siyang nakakainis e. Hindi ko rin naman matawagan si Leandro. Hindi pa rin kami nagkikita ulit simula noong nangyari sa Galeria Monteriego.

PAPALABAS na ako nang sasakyan nang harangin ako ng mga maid. Yumuko ang mga ito sa akin. Kasunod nang pagdating ni Crusita.

"Saan ka pupunta?" Mataray na tanong sa akin ng isa pang malditang ito. Inirapan ko siya. Tutal ay alam naman naming hindi namin gusto ang isa't isa, wala nang dahilan para magpaka-plastic.

"Ano bang pakialam mo?" sagot ko at nilagpasan lamang siya.

"Huwag kang masyadong mayabang, Kharis. Pinayagan ka lamang lumabas ng First Heir pero hindi ibig sabihin noon ay nasa iyo na ang simpatya niya. By the way, pinapupunta ka ng First Lady sa East Garden. Know your priorities, this palace is not your playground, kid." Sabi ni Crusita. Hindi ko siya nilingon at nagdire-diretso lamang ako sa sasakyan.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon