Chapter 4

187 96 143
                                    

"Ang kapal ng mukha mo! Fuck you!"

ISANG malakas na sampal ang natamo ko kay Crusita. Nakaramdam ako ng gumuhit na sugat gawa ng sampal niya. Hinawakan ko iyon at nakasalat ako ng basa sa gilid ng labi ko.

Dugo.

Napatingala ako at natawa. Nang makabawi sa pagkasampal sa akin ay siya naman ang binigyan ko ng isang sampal na ikinagulat ng mga kasama niya.

"Ang kapal din ng mukha mong sampalin ako!" bulyaw ko sa kaniya. Matalim na tingin ang ibinalik niya sa akin.

"You bitch—"

"Crusita!"

Napatigil kami pareho sa boses na ng lalaking papalapit sa amin. Seryosong seryoso ang mukha nito. Tulad ni Crusita ay puro itim din ang suot niya.

Napahinto siya nang makita ako. Lalo na ang sugat sa labi ko. I smirked. Lahat ba sila rito ay halimaw rin kagaya ng lalaking iyon?

Napaatras ako nang lumapit sa akin ang lalaki at sinalat ang sugat sa labi ko. Nakaramdam ako ng sobrang init sa daliring nakahawak sa sugat ng labi ko, at pamaya maya'y maging ang sugat ko sa labi ay nawala.

"So lahat kayo rito halimaw?" sabi ko nang alisin niya ang pagkahawak sa akin.

"Bampira, Miss Charmaine. Bampira kami." sagot ng lalaki.

"Bampira, aswang, werewolf, Monteriego. Kahit anong itawag mo, lahat kayo rito halimaw. Mga halimaw kayo." may diin ang bawat salitang binitiwan ko. Nginitian ko naman si Crusita na hawak pa rin ang pisngi niyang sinampal ko. Arte!

Napabuntong hininga ang lalaki sa sinabi ko.

"Ako si Clemente, ang tagapamahala sa pamilya Monteriego. Ang kanang kamay ng kasalukuyang Grand Master ng palasyo. Ipagpaumanhin mo ang ginawa ni Crusita. Tanggapin mo sana ang paghingi ko ng tawad bilang nakatatanda niyang kapatid." yumuko si Clemente gayon din ang mga kasamahan nila, maliban kay Crusita.

Tinaasan ko siya ng kilay at gumawa ng hugis "L" sa daliri ko at itinapat iyon sa akin noo. Umirap naman si Crusita sa akin.

"Ipinag-utos ni Master Fabian na ihanda na kayo para sa inyong pag-iisang dibdib." ngumiti si Clemente sa akin na parang walang nangyari. Na parang hindi ako muntikan nang patayin ng halimaw na lalaking iyon.

"Kuya. Hindi mo ba nakita kung paano sugatan ng babaeng iyan ang First Heir?! Dapat makarating sa Grand Master ang ginawa niya!" sabat ni Crusita. Gigil na gigil talaga ang bruhang ito sa akin.

"Mas hindi gugustuhin ng Grand Master na malaman na sinampal mo ang susunod na asawa ng kaniyang tagapagmana. Ayusin mo ang sarili mo Crusita. Gawin mo kung ano lang ang iutos sa iyo." Seryosong sabi ni Clemente bago senyasan ang mga babaeng kasama niya.

Inakay naman ako ng dalawang ito at iniwan na namin si Crusita nang nakatayo lang sa pwesto nito. Tila hindi makapaniwalang hindi siya kinampihan ni Clemente.

Kasama si Clemente, sumakay kami ng sasakyan upang makalipat kami sa pinakamalaking palasyo na malapit sa palasyong pinagbabaan namin kanina para sa pagpili. Wala na ang sinakyan namin papunta roon. Ano kayang nangyari kay Leila? Kung ako ang napili bilang mapapangasawa ng halimaw na iyon, ibig sabihin ba ay pinatay na sila Leila?

"Huwag mo nang isipin ang mga babaeng kasama mo kanina. Ang mahalaga ay ikaw ang buhay ngayon." sabi ni Clemente na siyang nagmamaneho ng sasakyan namin.

"Ganito ba talaga ang gawain ninyo? Ang patayin at pahirapan ang mga taong wala namang nagawa sa inyo?" tanong ko. Matagal na natahimik si Clemente hanggang sa marating namin ang pinakamalaking palasyo.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon