Chapter 11

93 41 67
                                    

It was hot and needy-but it's as fast as a sound.

The moment his lips met mine, it was a chaos in my mind.

Ayaw kong magpaapekto. Pero hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari. Sa ginawa niya ay para akong idinuyan, dinala ako kung saan. And I'll be lying kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.

Because damn, he's a good kisser!

Napahawak ako sa labi ko. Naaalala ko pa rin ang pakiramdam. Pakiramdam ko ay nakadikit pa rin ang mga labi niya sa labi ko. Hindi ko makalimutan. Nakakainis!

Bakit niya ba kasi ako hinalikan? Anong ibig sabihin no'n?

Kinuha ko ang phone ko at binasa muli ang mensahe ni Dr. Lionel.

Making him value you will be the hardest that is why, you need to do it first. You will also need to gain the trust of everyone. In that case, mas madali para sa kanila pagkatiwalaan ka.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung tama lang ba na makipagtulungan ako sa kaniya gayong hindi pa rin malinaw sa akin ang gusto niyang mangyari. Pero sa sitwasyon ngayon, si Dr. Lionel lang ang masasabi kong pwede kong lapitan tungkol kay ate.

Tumingin ako sa pinto ng balcony na nakabukas. Nang matauhan si Fabian sa paghalik sa akin ay bigla itong umalis. Iniwan na naman akong naguguluhan.

I swear, siya na yata ang pinakakumplikadong tao na nakilala ko. Ginugulo niya ang isip ko sa ipinakikita at ginagawa niya.

"GOOD Morning Charm! Ganda mo ngayon ah?" Nakangising bati ni Silvano. Kaming dalawa lang ulit ang magkasabay na kumain dahil wala na naman ang mga tao.

"So, sinasabi mo bang hindi ako maganda noon? Tsaka Kharis na ang pangalan ko 'no," Sinamaan ko siya ng tingin. Nagbago naman ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Hoy hindi! Wala akong sinasabi ah. Maganda ka naman lagi e." Silvano pouted. Tss, parang bata naman ito e nakikipagbiruan lang naman ako.

"Biro lang naman!" natatawang sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Dahil dadalawa lang naman kami ay magkatapat na kami ng upuan. Suhestiyon ko ito nang mas makausap pa si Silvano. Napansin ko kasing sa magkakapatid, siya lang ang tila walang pakialam sa mga nangyayari sa Main Palace. Nang maghapag ng pagkain ang mga maid ay kumain na kami.

"Saan ba sila pumupunta ng ganito kaaga?" Tanong ko. Napapansin ko kasi na parang madalas silang wala ngayon. Hindi ko pa rin nakikita si Leandro o kahit si Marco.

"Hindi ko rin alam. Lagi akong nasa club at lagi ko rin hindi naaabutan." Nagkibit balikat lang si Silvano. Isa pa ito. Laging wala, palibhasa laging nasa bar. Puro party ang alam.

"Puro ka club 'no? Wala ka bang ibang ginagawa? Wala kang trabaho? Sinasanay?" Usisa ko. Para namang wala lang sa kaniya ang mga tinanong ko.

"Si kuya Fabian naman ang magmamana nitong lahat sa palasyong ito. Kaya na niya iyon. Isa pa, kaya nga ako lagi sa club para makatakas sa mga kailangan gawin sa Royal Clan." Sagot niya.

"Tulad ng?" Tanong ko sabay subo ng pagkain. Kita ko naman na uminom ng juice si Silvano at naglagay muli ng pasta sa plato niya.

"Hmm, kailangan ko magsanay sa field ngayon kaya ako nandito. Nag-skip na ako ng training noong nakaraan kaya hindi ako pwede tumakas. Lagot na naman ako sa kumpare ko, si Alessandro." Sabi ni Silvano na tatawa-tawa. Lagi talaga niyang niloloko ang ama niya. Pero field? Saan may field dito?

"Pwede ba akong sumama?" Pakiusap ko. Nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi ko.

"Hindi ka pwede doon 'no. Baka mapano ka, ako pa may kasalanan." Sagot ng kausap ko. Napabusangot naman ako.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon