Chapter 5

188 90 128
                                    

"Tulungan mo ang kapatid mo Charmaine Tulungan mo siyang makalabas dito."

Napabuntong hininga ako nang maalala na naman ang mensaheng iyon. Sa totoo lang ay wala akong kongkretong plano. Hindi ko naman inaasahan na ganito ang klase ng pamilyang aabutan ko.

Mga bampira.

Hindi pa rin ako makapaniwalang totoo pala ang mga bampira. At ang mga Monteriego, kaya ba sila makapangyarihan dahil dito? Kaya ba sila nangunguha ng mga babae, dahil sa dugo?

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Sa sobrang laking rebelasyon na ang mapapangasawa ko pala ay isang bampira, mas lalong lumawak ang dapat kong halughuging impormasyon para mahanap si ate.

"Miss Charmaine?"

Napalingon ako sa nakasaradong pintuan. Mukhang narito na ang maid na susundo sa akin para mag-ayos para sa umagahan. Maaga akong nagising dahil hindi rin ako makatulog. Paano naman ako makakampante kung napapaligiran ako ng mga halimaw? Buti na lang at hinayaan ako ni Clemente na magkaroon ng sariling kwarto. Hindi ko pa kayang matulog sa iisang kwarto kasama ang isang halimaw na gaya ni Fabian.

"Ipinabibigay po ito ni Master Fabian. Ito raw po ang inyong susuutin." iniabot sa akin ng maid ang isang paperbag. May laman itong damit sapatos.

"Hindi ninyo na ako liliguan?" takhang tanong ko.

"Hindi na po Miss Charmaine. Ang pagpapaligo po ay ginagawa lang sa unang gabi ng babaeng napili bilang Bride ng First Heir." sagot ng maid na nakayuko pa rin.

"Isa ka ba sa kanila?" tanong ko kaya't napatingin siya sa akin.

"Isa ka rin bang bampira? Kayong mga maid, bampira ba kayong lahat?" sunod na tanong ko. Umiling ito sa akin. Sinenyasan ko na ito kaya't isinara na niya ang pinto ng kwarto ko.

Ang alam ko, dugo ang pangunahing bagay na nakaka-attract sa mga bampira, pero bakit hindi bampira ang mga katulong nila?

"MASTER Fabian's Bride is here, Grand Master." wika ng isang maid nang pumasok ako sa dining hall. Naroon na lahat ng miyembro ng pamilyang kasabay kong kumain kagabi.

Naupo ako muli sa upuang inilaan sa akin kagabi, ngunit wala na naman si Fabian.

"Nakatulog ka ba ng maayos hija?" tanong ng Grand Master sa akin. Nakangiti pa ito.

"Opo." tipid kong sagot at gumanti ng ngiti. Inilibot ko naman ang tingin sa iba naming kasama at nang mapadako kay Silvano ang tingin ko ay kinindatan pa ako nito.

Nasa dulong parte ng lamesa sa Silvano. Katabi niya ay dalawang lalaki na hindi ko pa kilala. Parehas seryoso ang mga mukha nito. Sa upuan naman na katabi ng Grand Master, katapat ng upuang para kay Fabian ay isang babae na may edad na rin ang itsura. Sa tingin ko ay nasa mid 30's na ang itsura nito. Natitiyak ako na siya ang asawa ng Grand Master.

Napaiwas ako ng tingin nang mapatingin sa akin ang babae. Hindi na ako nag-angat pa ng tingin at kumain na lang.

"Nasaan si Fabian?" tanong ng Grand Master na nakatingin kay Clemente.

"Maaga hong umalis para mag-asikaso sa site, Grand Master." sagot ni Clemente.

"Hindi pa niya nakakasabay kumain ang mapapangasawa niya. Umiiwas na naman ba siya?" dagdag pa ng Grand Master.

"Aalamin ko po, Sir." magalang na sagot ni Clemente.

Umiiwas? Iniiwasan ako ni Fabian? Bakit?

"Hayaan mo na. Si Charmaine na lang ang asikasuhin mo. Ituro mo sa kaniya ang lahat ng dapat niyang malaman at ibigay sa kaniya ang lahat ng kailangan niya. Matagal na panahon na nang huling nagkaroon ng kasal dito kaya gusto ko ay engrande ang selebrasyon natin." utos ni Alessandro.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon