Chapter 17

57 15 36
                                    

-nilagyan nila ng lason ang tubig na iyan."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Martha at napatingin sa pool. Sinasabi ko na nga ba. Kaya hindi ako komportable. Nakakaramdam ako ng hindi maganda sa tubig na iyon.

"Sino sila? Sabihin mo sa akin. Sinong sila?" tanong ko kay Martha. Hindi siya makasagot dahil sa pag-iyak.

"Lady Kharis? Natapos na ba ang Royal Shower?"

Natigil kaming dalawa ni Martha dahil may biglang kumatok sa pintuan. Napahawak ng mahigpit si Martha sa kamay ko. Ang itsura niya ay binabalot ng takot. Nilingon ko naman ang pinto. Nasa likod noon ang maaaring may pakana nito.

Si Crusita.

NANG buksan ng mga maid ang pinto ay naiayos ko na ang aking sarili sa tulong ni Martha. Nakaupo ako sa upuan at diretso ang tingin sa kabilang dulo ng silid. Mamasa masa ang aking buhok habang ang balat ko ay pinupunasan ni Martha ng langis.

Napansin ko ang gulat na reaksiyon ng mga maid gayondin ni Crusita nang makita ako.

Napangiti ako.

"Napakasarap sa pakiramdam maligo sa tubig na iyan," sabi ko. Tumayo ako at hinarap ang hindi pa rin makapaniwalang si Crusita. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. At nang tila maintindihan niya ang nasa isip ko ay napangiti rin siya.

"Halika na, Martha. Malapit nang dumilim. Kailangan ko nang protektahan ang sarili ko sa lahat ng maaaring ikapahamak ko," wika ko habang tinitignan si Crusita.

Akmang lalagpasan ko na siya nang hawakan niya ang braso ko. Matapos ay inilapit niya ang mukha sa akin.

"Tama iyan. Protektahan mo ang sarili mo, dahil hindi mo naman ginawa ang dapat mong gawin. Tignan natin hanggang kailan ka tatagal dahil sa kapangahasan mo," bulong sa akin ni Crusita. Binalingan ko sita ng tingin.

"Tignan din natin kung anong mangyayari sa iyo kapag nalaman nila na nilagyan mo ng lason ang tubig na iyan," sagot ko. Hindi siya nabigla sa sinabi ko. Para bang alam na niyang mangyayari ito.

"Masyado ka yata magbintang, Lady Kharis," she smirked, "May gawin man ako o wala, may lason nang dumadaloy sa dugo mo na naghihintay lang ng tamang panahon para kumalat. Ikaw ang naglagay ng lason sa sarili mong katawan, Kharis. Blame no one but yourself," sagot ni Crusita. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Bigla siyang may kinuha sa bulsa ng suot niyang coat at ikinabit iyon sa robang suot ko.

"This really suits you. You must use this as your brooch kapag ikaw na ang bagong First Lady. Iyon ay kung aabot ka," wika pa ng babae bago naunang lumabas sa silid.

Tinignan ko ang bagay na nilagay niya. Ang pagkagulo ng aking isip ay napawi ng isang ideya. Isang ideyang dulot ng bagay na ibinigay ni Crusita.

A Jasmine Flower brooch.

Malakas na dagundong ang umalingawngaw sa buong palasyo. Sinundan iyon ng sunod sunod na tunog ng kampana.

"Ibabalik na ho namin kayo sa inyong silid," wika ni Martha. Buhat noon ay nagsilihis ang iba pang maid upang bigyan ako ng daan. Nauna naman akong naglakad habang ang mga maid ay nakasunod.

NAKATANAW ako sa bintana ng kwarto habang lumulubog ang araw. Muli na namang tumunog ang kampana. Ngayon ay mas malakas na ito marahil ay dahil mas malapit na ang kwartong kinalalagyan ko sa tuktok ng palasyo.

Magsisimula na ang Offering. Sa pag-iyak ng gabi ay magbabago na ang takbo ng palasyo.

Napabuntong hininga ako at hinawi ang kurtina. Tanaw ko mula sa malayo ang isang grupo na naglalakad palapit sa palasyo. Marami sila at nakasuot ng kulay itim na kapa. Natatakpan ng tela ang ulo at mukha nila Nakapaligid sa kanila ang iba pang lalaking nakaitim na damit at may hawak na kahoy na may apoy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon