Chapter 1

195 83 173
                                    

Wayve POV

I took a deep sigh habang nakahawak ako sa puson ko. Gosh, 30 minutes pa bago mag lunch break.

"Pstt" I rolled my eyes and raise my eyebrow, baka kasi pag nagsalita ako marinig pa ni Ms.Lapaz ung boses ko.

"Gutom kana?"mahinang aniya.

"Hindi, masakit puson ko" bulong ko pabalik sa kanya.

"Sus, gutom kana may pagkain ako dito baka gusto mo?"aniya.

"Shhhhhh!"pag bawal ni Ms. Lapaz habang nagsusulat padin sa board.

Iniripan ko nalang si Gian sabay baling na sa board para magsulat ulit.

Pagkatapos ng klase kay Ms. Lapaz ay lunch break na kaya kinuha ko na ang bag ko para makaalis na agad.

"Hoy" pag-akbay sa akin ni Gian.

"Tsk" pilit kong tinatanggal yung pagkaka-akbay niya pero di siya nagpatinag. I don't know why pero naiilang paden ako pag-inaakbayan ako ni Gian dito sa school. Kapag kami-kami lang naman magbabarkada okay lang naman sakin.

"Tara na sa canteen alam kong gutom kana" nakangising aniya.

"Gago, sabing hindi nga ako gutom masakit puson ko. Uuwi na lang ako dalawang subject nalang naman. Pasabi nalang sa teacher natin"

"Kung umuwi na lang din kaya ako?" naka-ngiting sambit niya habang nag-iisip.

"Ano naman ang dahilan mo ba't ka aabsent?" tanong ko.

"Kasi aabsent ka" diretsong aniya.

"Ano naman ngayon? Pumasok ka nga, aabsent ka pa gusto mo bang mapagalitan ni tita?"

Naglakad na ko papalabas ng school, hindi ko naman namalayan na nakasunod pala siya sa akin.

"Hatid nalang kita. Hintayin mo ko kukunin ko lang yung kotse"aniya.

"Sige, hindi ako tatanggi kung yun ang iniisip mo" nakingiting tugon ko sa kaniya.

Habang nasa biyahe nararamdaman ko na naman ang sobrang sakit ng puson ko like tangina lang. 30 minutes din kasi ang layo ng school sa bahay namin. Dapat magmadali si Gian 1 hour lunch break lang iyon.

"Diyan mo nalang ako ibaba sa kanto"

"Sigurado ka? 10 minutes pa na lakadan yan tapos ang bagal mo pang maglakad" aniya.

"Okay lang, kaysa naman malate ka"sambit ko.

"Bye, Inom ka gamot" kumaway pa siya sa akin bago umalis.

Habang naglalakad ako pasakit ng pasakit yung puson ko. Tinitiis ko yung sakit nito, yung mga kamay ko ay nakahawak sa puson ko. Alam niyo iyong feeling na parang may kinukulo sa puson mo? feeling ko anytime matatagusan ako parang bulkan na nagaalburuto yung puson ko.

Nadaanan ko na yung bahay nila Gian kaya unti nalang ay makakarating na ko sa bahay, mga 10 bahay pa bago sa amin. Habang naglalakad may nakita akong isang lalaking naka-hoodie, nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko alam kung ano yung ginagawa niya.
Omyyghad, ganto iyong sa mga movie eh baka naman sasaksakin nalang ako bigla nito pero hindi naman siguro, safe dito sa subdivision namin. Hindi nakakapasok basta basta ang mga hindi taga dito kaya siguro bago lang siya.

Kabado man dire-diretso ko padin siyang nilagpasan pero dahil chismosa ako nilingon ko kung ano yung ginagawa niya nakita ko naman na may hawak siyang isang camera at nakatingin siya doon. Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya, nang-iangat niya ang kaniyang mga mata iniwas ko agad ang tingin ko. Tumalikod na ako sa kanya para maglakad muli ngunit napahinto ako sa sinabi niya.

One Last Cry [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon