Wayve POV
Sa gitna ng yakapan naming dalawa habang nakatingin sa magandang tanawin bumuntong hininga si Froster.
Tumingin ako sa kaniya iyong kaninang masayang itsura niya ngayon ay naging malungkot na.
"Bakit may problema ba?"nagaalalang tanong ko.
"I need to go back to America" malungkot na aniya.
Nagulat ako sa sinabi niya alam ko naman na ito sinabi niya na sa akin dati na kung hindi siya kayang tanggapin ng tunay niyang ina babalik na lang siya sa America pero tanggap naman na siya ni tita si Gian na lang talaga ang hindi pa.
Akala ko mababago ko ang isipan nito, akala ko magiistay siya kasi nandito ako nagkamali pala ako sa akala ko.
"My dad needs me"aniya.
Gusto kong sabihin na kailangan ko din siya dito pero ayoko naman maging selfish. Hindi lang naman sa amin umiikot ang mundo kaya kung kailangan siya ng dad niya doon wala na akong magagawa pa.
"Kailan ka aalis?"malungkot na tanong ko.
Umaasa ako na sana matagal pa bago siya umalis ngunit nagkamali na naman ako.
"Bukas, aalis na ako bukas"aniya.
"Bukas agad?"hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes ayaw ko man pero kailangan" aniya.
"Nakakalungkot naman"sambit ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Wala namang magbabago diba?"paninigurado niya.
Niyakap ko din siya ng mahigpit. Wala nga bang magbabago?
"Walang magbabago Froster"sambit ko.
That night we didn't think about his leaving, we enjoy our last night together.
Ngayon na ang alis ni Froster ng bansa nakakalungkot pero hindi ko pwedeng pigilan ang pag alis niya.
Ihahatid siya ni tita kaya doon na lang din ako sasakay. Kami lang ni tita ang maghahatid sa kaniya.
Pagdating ko sa bahay nila tita nakita ko si Gian kaya tinawag ko ito.
"Hey!"pagtawag ko sa kanya.
"What?"aniya
"Bat hindi ka sasama?tanong ko sa kaniya.
"Bakit naman ako sasama?"tanong niya pabalik sa akin."Nakapagpaalam naman na ako sa kaniya"aniya saka umakyat na sa taas.
"Ready na ba ang mga gamit mo?tanong ni tita kay Froster.
"Yes po"aniya.
"Let's go, baka malate ka pa sa flight mo" sambit ni tita.
Sa kotse kami sumakay si tita ang nasa harap at kami naman ni Froster ang nandito sa likod.
Tahimik lang akong nakatingin sa dinadanan namin. Ayoko muna magsalita, ayokong magpaalam kasi magkikita pa naman kami at para sa akin ang pagpapaalam ay para lang sa mga taong hindi na magkikita pa o para sa mga matagal na magkikita.
"Hey, love"malambing na sambit ni Froster.
Hindi ko siya nilingon nakatuon lang ang atensyon ko sa daanan.
Hinawakan niya ang kamay ko at saka isinandal ang ulo ko sa kaniyang balikat.
"Please take care of yourself"malungkot na aniya. "Always be happy, huwag mo na akong isipin"aniya.
Inangat ko ang aking ulo saka tinignan siya.
"As if namang hindi kita maiisip"nakangusong sambit ko.
BINABASA MO ANG
One Last Cry [Unedited]
Teen FictionDid you experienced being hurt again and again to only one person? Wayve did, She always forgive him because of love. Wala eh marupok unting suyo lang bigay na agad. Then one day she realized how idiot she is for always accepted him regardless of wh...