Chapter 25

62 30 63
                                    

Wayve POV

Dahil sa nakakailang na nangyari samin sa gym hindi na kami nakapag one on one ni Gian, natakot na ata sa akin hahaha jk.

Nandito kami ngayon sa labas ng school kung saan maraming nagtitinda ng street foods bigla tuloy akong natakam.

"Libre mo naman ako" sambit ko.

"Walang wala kana ba" aniya.

Niyugyog ko ang kaniyang braso para mapilit kong ilibre ako wala kasi akong pera ngayon.
Marupok naman to kaya konting pilit lang ililibre na ako nito.

"Queck queck lang eh" pangugulit ko. "Tas fishball tapos kikiam tas proven tsaka palamig na din" nakangiting sambit ko.

"Nahiya ka pa hindi mo pa binanggit lahat ng tinda ni manong" aniya.

"Syempre nakakahiya naman sayo" sambit ko.

"Wala ka nun" pagkasabi niya kumuha na siya ng pera sa bulsa niya oh diba ako lang malaks kay Gian hmmm.

Sinundan ko siya ng mas lumapit pa siya sa bilihin. Gaya nga ng mga sinabi ko ayun iyong binili niya tag 10 pesos lang naman bawat isa.

"Iba talaga iyong sarap kapag libre" sambit ko habang kumakain ng proven. "Libre mo na nga lang ako lagi"

"Salita ka ng salita pag ikaw nabilaukan" aniya habang kumakain din naman gaya ko.

Pagkatapos kumain naglakad kami papunta sa waiting shed sa hindi kalayuan.

"Hays sa wakas rest day na bukas" sambit ko.

"Di ka pa nga tapos sa plate mo" aniya.

Oo nga pala hindi ko pa tapos iyon mamaya na lang siguro ng gabi ko iyon gagawin para bukas wala na kong iisipin pa.

Pagdating ko sa bahay as usual wala pang pagkain, nakatambak iyong urungin tapos ang kalat pa ng bahay kasi heto na naman si mama at naglalaro ng baraha.

Minsan napapaisip ako kung bakit kailangan mangyari sa amin ito, bakit sa dinami dami ng tao samin pa nangyari iyong ganito pero sabi nga nila ang buhay ay parang gulong hindi ka mananatili sa kung anong meron ka sa buhay mo.

Nakakasawa, nakakapagod, nakakalungkot at nakakapanibago ang buhay na meron kami ngayon ni mama. Kahit na ilang beses ko ng gustong sumuko hindi ko magawa kasi paano na lang pag wala na ako? Paano na lang si mama na ako na lang ang inaasahan niya, ako na lang ang meron siya at siya na lang ang meron ako.

Naglinis muna ako ng bahay bago nagluto para sa hapunan namin.

"Ang malas naman ngayon hindi man lang ako nanalo" napatingin ako ng magsalita si mama na ngayon ay nakaupo na sa sala. "Bwisit na buhay ito" aniya.

Hindi naman maluwang ang bahay namin kaya nagkakarinigan kami ni mama kahit na nandito ako sa kusina at siya naman ay nasa sala at saka ang harang lang sa pagitan nito ay ang maliit naming tv.

"Ma, walang swerte sa pagsusugal hindi ka po kailanman magiging swerte diyan" tinignan ko siya bago ko ibalik ang tingin ko sa inaayos kong mga plato sa mesa. "Kain na po tayo ma" pagyaya ko sa kaniya.

"Anak utangan mo nga muna ako ng bilog diyan kay Aling Tesa" aniya.

Inom na naman lagi na lang. Ang dami na naming utang paano ba naman kasi ang ginagawa ni mama uutang tapos uutang ulit para ipang bayad sa utang niya kaya imbes na mabawasan lalo pang lumalago hays.

"Ma naman ang dami dami niyo ng utang. Lagi na nga lang sinasabi sa akin ni Aling Tesa tuwing dadaan ako sa kanila kung kailan daw tayo magbabayad" sambit ko.

"Naku si Aling Tesa talaga sabihin mo magbabayad din naman tayo pero hindi pa sa ngayon" aniya.

Kailan pa?Kapag lubog na lubog na kami sa utang.

"Ma naman, isipin niyo din naman ako. Hindi lang naman po kayo ang nahihirapan sa kung anong meron tayo ngayon pareho po nating hindi ginusto ang nangyari at pareho din po tayong nasaktan sa nangyari" bumuntong hininga ako bago muling nagsalita. "Ma, tayo na lang dalawa ang pamilya dito, tayo na lang dalawa ang magtutulungan. Alam ko pong sobrang sakit ng ginawa sa inyo ni papa pero mama naman hindi niyo po kailangan sirain ang buhay niyo at pabayaan ang sarili niyo ng dahil lang sa kaniya" hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. "Kung napapagod na po kayo, kung nahihirapan na kayo. Ma, ako din po pagod na pagod na po ako sa buhay na hindi ko kinasanayan" sambit ko tsaka pinunasan ang mga luha ko.

"Way--" hindi niya na natapos ang pagtawag sa pangalan ko dahil nagsalita ulit ako.

"Pero okay lang sa akin iyon kasi atleast nandiyan pa kayo may mama pa akong kasama na kahit hindi niyo naman talaga pinaparamdam na may kasama pa nga ako. Kaya please ma, for once isipin niyo na may anak pa po kayo, na hindi lang kayo nagiisa. Hindi niyo po kailangan sirain ang buhay niyo, hindi niyo po kailangan ibaon ang sarili niyo sa nakaraan" tinignan ko siya sa mga mata at muling nagsalita. "Learn to move ma and also learn to accept, don't let your past ruin your life po" sambit ko saka pumasok na sa kwarto.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay mama iyong mga nasabi ko pero kasi hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Gusto ko lang naman na bumalik na siya sa dating siya iyong masayahin at sweet, she change for worse not for the better one. Gusto ko lang din na magising na siya sa katotohanan kasi ako iyong nasasaktan kapag nakikita siyang umiiyak habang umiinom ng alak.

Hindi deserve ng kahit sinong babae ang mananatili sa nakaraan at patuloy na masira ang buhay niya ng dahil lang sa lalaki.
Every women deserved to be happy and loved.

Sana naman dumating na yung araw na matauhan na si mama at sana din matanggap niya ang lahat ng nangyari sa amin. Naniniwala ako na hindi binigay ng panginoon ang lahat ng ito dahil deserved namin kundi binigay ito para matuto kami at the same time maging matatag kami para sa isa't isa.

Sana din hindi na maisip pa ni mama ang mga nangyari sa amin dati. I want her to finally let it go and move on like what I did. I know that she can do it, she is strong woman than I am.

Nang gabing iyon tinapos ko ang plate na kailangan kong isubmit sa monday. Hindi na ako nakakain pa dahil nakatulog na ako sa pagod.

One Last Cry [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon