Chapter 21

56 29 74
                                    

Wayve POV

"3"

"2"

"1"

"Happy New Year" sabay sabay naming sambit habang tumatalon talon pa. Hindi ko alam kung bakit ganito tuwing bagong taon nakasanayan ko ng tumalon pampatangkad daw iyon sabi nila.

Magkakasama kami ngayon dito sa bahay ang pamilya nila Gian tapos kami nila mama.

"Happy new year, love" bulong nito sa tenga ko dahilan para lingunin ko siya.

"Happy new year din" nakangiting sambit ko. Unang bagong taon na magkasama kaming dalawa at sana sa mga susunod pa magkasama pa din namin icelebrate ang ganitong occassion.

Bagong taon, bagong buhay. Bagong kinabukasan, kalimutan natin ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan. Always be happy, don't problem the problem let the problem, problems you.

Umupo na kami sa kani-kaniya naming upuan para matikman na ang aming mga handa.

Pinagmasdan ko ang mga pagkain sa mesa ang sasarap nila pero hindi ako nagugutom bat kasi ganito ako natatakam ako kapag walang pagkain na gusto ko tapos kapag nasa harap ko naman na parang ayaw kong kainin.

"Kainan na" masayang sambit ni tita.

"Damihan niyo ang kain, eat all you can yan" natatawang sambit ni mama.

"Inuman ba pagkatapos?"tanong ni tito.

"Oo naman pero tayo tayong mga lalaki lang hindi na kasama iyong mga babae" nakangusong napatingin ako kay papa sa sinabi niya.

"At bakit naman?"mataray na tanong ni mama.

Tumingin sa kaniya si papa bago nagsalita.
"Maingay pag nalalasing" natatawang aniya.

"I agree po"nakangiti ding pagsingit ni Froster.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya biglang nawala ang mga ngiti nito.

Finally legal na kami both side, kabado pa ako nung una kasi akala ko magagalit sila mama sa akin but then again sabi niya 'Alam ko naman na meron kanang boyfriend, hinihintay lang kita magsabi sa akin'. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman siguro magaling talagang kumilatis ang mga magulang.

Pinagmasdan ko silang nagbibiruan habang kumakain. Minsan nakikisabay sila Froster at Gian okay na sila hindi na sila gaya dati.

Ang saya sa pakiramdam na masaya iyong mga taong nakapaligid sayo.

Gaya nga ng napag-usapan kanina hindi kami iinom nila tita. Habang inaayos nila ang pagiinuman nila kami naman ang nagaayos nila tita ng pinagkainan namin.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod ko. Amoy pa lang nito alam na alam ko na.

"Baka makita tayo nila mama"napalingon pa ako sa paligid kung may nakatingin ba sa amin.

"So" aniya na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

"Nakakahiya"sambit ko habang pilit na kinakalas ang pagkakayakap nito.

Napahinga ako ng maluwag ng kinalas niya na ito. Humarap ako sa kaniya para pagsabihan siya pero naunahan na ako nito na magsalita.

"Kinahihiya mo ako?" tanong nito.

"Parang tanga" napairap pa ako sa kaniya ng sabihin ko iyon.

"Tss, kinahihiya mo na nga ako tas parang tanga pa" napaiwas na tingin na aniya.

Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya at saka pinitik ko ang noo nito dahilan para tumingin muli siya sa akin.

"Alam mo para kang ewan"natatawang sambit ko. Apaka childish ng ugali ng isang to.

One Last Cry [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon