Chapter 19

60 30 92
                                    

Wayve POV

"Why?"sa dami-dami ng gusto kong itanong iyan lang ang salitang lumabas sa bibig ko.

"I miss you" hindi ko na narinig pa ang sinabi nito dahil sa biglang paglakas ng tugtog dito sa bar.

Napahawak ako sa ulo ko sa biglang pagsakit nito. Shet talaga ayoko ng uminom ng marami.

Naramdam ko ang paglapit nito ng magtama ang braso ko at ang sa kaniya.

"Hey, are you okay?"tanong nito sabay hawak sa ulo ko.

"Don't touch me!"tinabig ko ang kamay nito saka umusog paatras sa kaniya.

Ngunit sadyang makapal ata ang mukha ng isang to. Umusog din siya sa akin saka ako inabutan ng tubig.

"Drink this" aniya.

Hindi na ako naginarte pa dahil masakit na talaga ang ulo ko. Pagkainom ko ng tubig sumandal ako sa couch at pinikit ang aking mata.

Napamulat ako ng masinghot ko ang kakaibang amoy. Linayo ko agad ang sarili ko sa kanya ng mapagtantong nakasandal ako sa dibdib nito.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Napatingin ako sa paligid ko nagtataka dahil hindi kagaya kanina mas umunti na ang tao ngayon.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, shet 2am na eh ang usapan hanggang 12 lang kami dito.

Pinilit kong tumayo, medyo nahimasmasan naman na ako kaya hindi na ako natumba.

Maglalakad na sana ako para hanapin sila Zeb ngunit napahinto ako ng bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko.

"If you're going to find them, don't" napatingin ako sa kaniya, "Kasi nauna na silang umuwi" aniya.

Really?Iniwan nila ako dito sa bar kasama siya tss, mga tawtaw hmp.

Tumayo siya ng hindi binibitawan ang kamay ko, "Let's go" aniya.

"I hate you!"pagamin ko sa kaniya.

"What?Why?" nakakunot noong aniya, "What's wrong? I just said that 'Let's go, what's wrong with that?" naguguluhang aniya.

"Bakit bumalik ka pa?"natigilan siya sa sinabi ko, "Bakit kung kailan handa na akong kalimutan ka saka ka bumalik?"kita ko ang sakit sa mga mata nito ng sabihin ko iyon.

Napabuntong hininga ako saka iniwasan ang mga mata nito bago muli nagsalita. Totoo naman handa na akong kalimutan siya. Kaya nga rin ako uminom ng marami ngayon para kahit saglit lang mawala iyong sakit na dulot niya.

"Bakit hindi ka man lang nagparamdam? Bakit hindi mo sinabi iyong totoo? Bakit kailangan mo pa akong saktan ng ganito?"hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi bumalik siya o dapat ba akong malungkot kasi bumalik pa siya.

"What are you saying?"naguguluhang aniya.

"Don't lie Froster" tinignan ko siya sa mga mata, " Don't deny as If you don't know what I mean co'z I already knew it" sambit ko.

"What do you mean?"naguguluhan pa ding aniya, "Seriously I don't know anything" aniya.

"Bwisit"sambit ko saka naglakad na palabas ng bar.

Sinadya kong lakihan ang bawat hakbang ko para hindi niya ako maabutan.

Napahinto ako sa paglalakad ng hawakan niya ang kamay ko.

"Bitaw"seryosong sambit ko.

Sa halip na bitawan niya mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak dito.

One Last Cry [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon