Wayve POV
Pagkagising ko inisip ko agad kung ano ang magagawa ko o may magagawa pa nga ba ako? hindi mo naman malalaman kung hindi mo sinusubukan, parang sa talent lang iyan hindi mo malalaman kung saan ka magaling kung wala ka namang sinusubukan.
Bumaba muna ako, ngunit wala akong ibang nakita kundi ang katulong. Naging dalawa na lang ang katulong namin dahil na din siguro hindi naman na masyadong kailangan. Wala na naman sila mama at papa. Nakakalungkot lang na sama-sama nga kami sa iisang bahay pero hindi naman mga nag papangabot.Hindi ko alam kung saan sila pumupunta at hindi ko din alam kung magkasama ba sila sa mga pinupuntahan nila.
Umakyat na lang ulit ako sa kwarto para maligo na. Tatlong araw na lang pala at matatapos na ang sembreak hays.
Inayos ko muna iyong isusuot ko, bago ko kinuha ang cellphone ko para itext si Gian wala kasi akong pantawag kaya text lang.
Me: Tara sa park?
Gian: Park? Ano tayo bata para pumunta dun?
Me: Tss, hindi lang naman iyon pangbata.
Hindi lang naman talaga pangbata ang park ah hmmp-,-
Gian: Oh?Ano naman gagawin natin don?
Me: Wala
Pagkatapos kong ma sent kay Gian iyon tumawag naman siya sa akin, edi siya na may load pang tawag.
Gian calling.....
Gian: Siraulo!
Me: Gago!
Gian: Pupunta tayong park para lang sa wala lang iba ka din.
Me: San mo ngarod gusto?
Gian: Sa restaurant ganon!
Me: Puro ka pagkain, sige at maliligo na ako.
Pinatay ko na ang tawag pagkatapos ng paguusap namin ni Gian. Ngayon ko na sana gagawin iyong plano na pagkausapin silang dalawa kaso wala akong number ni Froster, kasi naman alangan naman ako ang mag first move na hingin number niya duh! kahit gwapo siya hindi ko gagawin iyon.
Pagkatapos kong maligo, inblower ko na din ang buhok ko, naglagay ng powder at liptint tsaka tinignan ang sarili ko sa salamin.
Simple lang ulit ang suot ko, simple lang naman kasi talaga ako.
Sa tingin ko kami na lang ni Gian ang lalabas ngayon mag mamall na lang siguro kami. May mga susunod pa namang araw para magkausap silang dalawa.
Bumaba na ako at narinig na ang busina ng kotse ni Gian.
"Hey" bati ko sa kanya.
"San tayo punta?"bored niyang tanong.
"Uhm, mall?"tanong ko pabalik sa kaniya.
"Tsk, ano ba kasi naisipan mo at nagyaya ka?"aniya.
"Wala lang boring lang sa bahay"sabay tingin ko sa bahay namin, "tara na nga!" sambit ko.
"Suot mo muna seatbelt mo"aniya.
Lagi niya yang pinapaalala sa akin tuwing sasakay ako dito sa kotse niya. Katulad ni Froster pinapasuot niya sa akin ang helmet bago umalis, hays bat ko na naman ba naiisip yun. Hindi ko na nga muna siya iisipin teka asan na nga kaya yun? Ano kaya ginagawa niya?hays sabing hindi ko na siya iisipin eh.
Dapat wala akong pakielam sa kaniya dahil ganon din naman siya sa akin.
Nakarating naman kami ng maayos ni Gian dito sa Mall of Asia. Bahala na kung anong gagawin namin dito.
BINABASA MO ANG
One Last Cry [Unedited]
Teen FictionDid you experienced being hurt again and again to only one person? Wayve did, She always forgive him because of love. Wala eh marupok unting suyo lang bigay na agad. Then one day she realized how idiot she is for always accepted him regardless of wh...