Chapter 7

86 54 128
                                    


Wayve POV

Naging mabagal ang kaniyang pag mamaneho, teka parang hindi naman ata ito iyong daan papunta sa bahay ah?

"Hindi naman ito iyong daan papunta sa bahay ah?"naguguluhang tanong ko.

Sa pagkakaalam ko kasi ihahatid niya ako sa bahay namin hindi sa ibang bahay.

"I know"aniya.

"Eh, bakit saan mo ba ako dadalin?"tanong ko.

"Sa puso ko" hindi ko na  narinig ang sinabi niya ng bilisan niya na ulit ang kaniyang pagmamaneho.

Hindi din nagtagal ay nakarating kami sa isang fast food chain na ang pangalan ay Jollibee ampochi.

"Gago, wala kong dalang pera"sambit ko.

"Hindi naman tayo kakain"aniya.

"Seryoso? Ano gagawin natin dito?"tanong ko.

"Mamamalimos?"tanong niya pabalik.

"Damn you!"sambit ko.

"Tss"aniya sabay hila sa kamay ko.

"Wala nga kong dalang pera"sambit ko.

"My treat ofcourse"aniya.

Tsk, nakakahiya man abaaa hindi na ako nagpadala sa hiya ko gutom na din ako eh.

Hinayaan kong siya na ang mag-order ng pagkain namin tutal ay libre niya naman.

Pagbalik niya ay may dala na siyang isang tray kung saan nakalagay ang pagkaing inorder niya.

Ganon na lang ang pagkamangha ko ng maglapag din ng isang tray na may lamang pagkain ang lalaking kasunod niya kanina na nakasuot ng pang staff sa jollibee.

"Eat"aniya.

Nahihiya pa ako kaya hindi muna ako kumuha ng pagkain kahit gutom na gutom na ako.

"Hindi naman ako gutom"pagsisinungaling ko. "Ikaw ang kumain na"sambit ko.

"Inorder ko yan para sayo hindi para sa akin. Wag mong hintaying subuan pa kita" seryosong aniya.

Parang gusto ko iyong sinabi niya charr ano ako bata para subuan?

Complete package pala ang inorder niya may rice with fried chicken, spaghetti with shanghai, pineapple pie, chocolate float, sundae, hotdog sandwich, burger and my fovorite fries.

Habang kumakain ako hindi ko magawang mailang sa mga matang nakatingin sa amin ng mga kababaihan gayon din ang dalawang magagandang mata ni Froster na nakatingin sa akin.

"Nakakailang"pagamin ko sa kaniya.

"Hmmm,why?"tanong niya.

"Tinitignan kasi nila tayo tapos tinitignan mo din ako"sambit ko.

"Ako iyong tinitignan nila hindi ikaw, tss" mayabang na aniya.

"Ayy iba, gwapo ka?"tanong ko.

"Hmmm, bakit nagwagwapuhan ka ba?" nakangiting aniya.

Sa halip na sumagot kumuha ako ng fries saka isinawsaw sa sundae at sinubo ko sa kanya.

Nagulat siya sa ginawa ko pero napangiti din, nginitian ko na lang din siya.

"Nabusog ako"nakangusong sambit ko.

"Good"tipid na aniya.

Hinintay niya muna na magpababa ako ng kinain bago kami umalis sa jollibee.

Nang makarating na sa bahay ay parang bumalik na naman ako sa katotohanan, bumalik na naman ang lungkot ko na kanina ay nakalimutan ko ng dahil sa kasama ko.

One Last Cry [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon