Chapter 16

69 36 89
                                    

Wayve POV

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Matagal bago ko muli siyang lingunin.

"Kapag hindi na siya bumalik"tumingin siya sa mga mata ko, "may pagasa na ba ako?" seryosong aniya.

"Gian"hindi ko inaasahan ang tanong nito akala ko wala na, akala ko hindi na siyang magiging ganito.

"Joke lang masyado kang seryoso"nakangiti ngunit pilit na aniya.

May pagasa nga ba siya?Maari bang magkagusto ako sa kaniya o talagang may gusto na ako sa kaniya pero pinipilit ko lang paniwalain ang sarili ko na hanggang mag kaibigan lang talaga kaming dalawa.

O naawa lang ako sa kaniya kasi hindi ko masuklian ang pagmamahal niya sa akin. Ang gulo ng isipan ko pero alam kong ako lang ang makakasagot sa mga sarili kong tanong.

"Alam ko naman na wala talaga"iniwas niya ang paningin sa akin. "Gusto kong paniwalain ang sarili ko sa sandaling tinitigan mo ako ng kakaiba kanina"napabuntong hiningang aniya, "Pero ayoko ng paasahin pang muli ang sarili ko, ayokong sumugal dahil alam kong hindi ko pa man sinisimulan talo na agad ako"aniya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Hindi ako sanay na ganito siya.

"Kaya please Wayve"tumingin siya sa mga mata ko,"Huwag mo na ako bigyan ng rason para umasa baka makalimutan kong kuya ko parin ang taong mahal mo"aniya.

Tila umurong ang mga dila ko parang naabusan ako ng mga salitang dapat kong sabihin sa kaniya.

"Gabi na umuwi kana"aniya sabay humiga ng nakatalikod sa akin.

Aalis na sana ako ng muli siyang magsalita.

"By the way thank you"aniya habang hindi nagbabago ang pwesto ng pagkakahiga nito.

"Take care of yourself, huwag ka munang papasok kung hindi mo pa kaya"sambit ko bago lumabas ng kaniyang kwarto.

Nagulat ako paglabas ko naabutan ko si tita na naghihintay sa harap ng pinto ng kwarto ni Gian.

Hindi nakasaradong mabuti ang pinto kaya hindi malabong narinig ni tita ang paguusap namin ni Gian.

"Uhm,wala akong narinig"pagdedepensa ni tita.

Tss, wala pa man akong sinasabi for sure narinig niya iyon.

"How's Gian?"tanong nito.

"May lagnat po siya tita pero bumaba naman na po hindi gaya kanina"sambit ko.

"Salamat Wayve, dito kana kaya maghapunan" pagyayaya ni tita.

"Hindi na po sa bahay na lang po"sambit ko.

Paguwi ko ng bahay wala sila mama at papa. Hindi na din ako kumain ng dinner minsan hindi naman masamang magpalipas ng gutom.

Pagkapasok ko ng kwarto nagshower muna ako bago mahiga sa aking kama.

Tinignan ko ang cellphone ko nagbabakasakali na nag missed call si Froster o kaya naman ay nagtext.

Ganon na lang ang lungkot ko ng wala ni isa akong natanggap mula sa kaniya.

Nang gabing iyon tinulog ko na lang ang lungkot na nararamdaman ko.

Lumipas ang araw at ngayon ay last day na ulit sa school dahil christmass break na ngunit wala pa ding pagbabago, wala akong natatanggap na paramdam mula kay Froster.

Till now I still waiting for someone to come back even though I knew that he would never come back.

Simula nung huli naming paguusap ni Gian hindi na iyon na ulit pa kung kakausapin man niya ko yun eh kung kasama lang namin ang barkada. Hindi ako sanay na ganon siya sa akin.

One Last Cry [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon