Chapter 30

72 31 54
                                    

Wayve POV

Pumunta na agad ako sa counter para makuha iyong number ni Froster. Di ko alam pero feeling ko sinadya niya iyong kunin para tawagan ko siya, feel ko lang naman.

"Thank you po" sambit ko sa babae.

"Ako dapat ang magpasalamat sa iyo" nakangiting aniya.

"Bakit naman po?" nagtatakang tanong ko.

"Kung hindi mo naiwan iyong folder, edi hindi ibibigay nung lalaking gwapo iyong number niya" kinikilig na aniya.

Napangiwi ako sa sinabi nito jusme aanhin mo ang gwapo kung sasaktan ka lang naman.

Tinawagan ko agad ang number nito, hindi din naman nagtagal at sinagot niya na ito.

"Hi" masayang bati niya.

"Nasaan na?" tanong ko agad.

"Well" aniya.

"Dapat iniwan mo na lang dito, kasi babalikan ko naman" aniya.

"Sana all binabalikan " aniya.

"Sana all hindi sinasaktan, sana ol hindi iniiwan" natahimik siya sa sinabi ko. "Wala akong panahon para makipagusap ng matagal sa iyon ang kailangan ko lang ay ibalik mo sa akin iyong project ko, please lang kailangan ko na iyon maipass ngayong araw din na ito" sambit ko.

"Easy, ibabalik ko naman" rinig kong bumuntong hininga siya bago nagsalita, "In one condition" aniya.

Bigla akong kinabahan sa sinabi nito kahit na wala naman dapat akong ikakaba.

"What?" tanong ko.

"Give me a chance" aniya.

Tang*na, parang andali lang ng hinihingi niya, parang hindi niya ako nasaktan.

"I'm here at your school" aniya.

Mabilis akong naglakad papunta ng school. Malayo pa lang kita ko na ang mga babaeng nagkukumpulan habang mga kinikilig na nakatingin sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at napangiti ako sa hawak nitong folder, finally makakapag pass na din ako.

"Here" nakangiti niyang inabot sa akin iyong folder na hawak niya.

"Thank you" sambit ko. Kahit naman naiinis ako sa kaniya kailangan ko pa ding magpasalamat dahil binalik niya ito.

"Gaya ng sabi ko ka---" hindi niya naituloy iyong sinasabi niya ng magring ang cellphone ko.

"What?" tanong ko ng masagot ko ang tawag.

"Nasan ka ba? Wala ka bang balak mag pass ng project mo, alam mo bang malaki ang ma----"

"Magpapass ako, gago!"sambit ko.

"Nasan ka nga? Miss na kita baby" malungkot na aniya.

Babarahin ko na sana iyong biro ni Gian sa akin ng magsalita si Froster.

"Si Gian ba iyan?" tanong niya na alam kong narinig ni Gian.

"Hoy! Sino iyon boses lalaki?" aniya.

"Uhmm, iyong guard" pagsisinungaling ko.

"Ulul, kilala ko boses ng guard natin. Hintayin niyo ako diyan ng kasama mo malapit na ako makalabas ng school" aniya.

"Papasok na din ako" kinakabahang sambit ko saka ko pinatay ang tawag.

"Thank you ulit" akmang aalis na ako pero napahinto ako ng hawakan niya ang kamay ko.

Tinaasan ko siya ng kilay sa ginawa niya saka ko inilayo ang kamay ko.

"As I've said earlier" nahihiyang aniya.

One Last Cry [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon