Wayve POV
Matagal kaming walang imikan para bang tintanya naming dalawa kung sino ang unang magsasalita.
"You know what? I don't want to go here anyway" malungkot na aniya.
Nagulat ako sa biglaang pagsasalita niya akala ko ay hindi na siya magsasalita.
"But dad pursue me para naman daw makita ko kung sino ang nanay ko" malungkot na aniya.
Hinayaan ko lang siyang magsalita at hinayaan ko ang sarili kong makinig sa kanya.
"Hindi naman ako pumunta dito sa Pilipinas para manggulo kung iyon ang inaakala ng anak nila" napahinto siya saglit saka bumuntong hininga. "To be honest hindi ko kayang sigawan ng ganon ang nanay ko. Kahit na gaano pa kalaki ang galit ko sa kaniya pero noong oras na nakita ko siya parang nawala iyong plano ko na sumbatan siya sa mga pagkukulang niya sa akin. Hindi ko kaya kasi kahit papaano pala may respeto pa ako sa kaniya" natawa siya ng mahina sa sinabi niya. " Ang sarap lang banggitin ng 'nanay ko' kahit hindi naman ako itinuring na anak, kahit na walang pakielam sa akin ang nanay ko"aniya.
"Wag mong isipin yan mabait si tita at alam kong may pakielam pa din siya sayo" sambit ko.
"Tss, You don't know anything"seryosong aniya.
"Oo, wala nga akong alam sa inyo pero trust me kita ko sa mga mata ni tita kung paano niya kayo iningatan na walang masaktan sa inyo ni Gian"sambit ko.
Ilang taon na kaya siya, ilang taon kaya ang pagitan nila ni Gian?Bakit kaya hindi sinabi agad ni tita iyong tungkol kay Froster?Bakit kaya nagkaroon ng ibang anak si tita? Hays andaming tanong sa aking isipan.
"I grew up without a mother so I think I can continue my life without a mother. Siguro babalik na lang din ako ng America kung saan andon ang dad ko. Okay lang kahit na wala akong nanay hindi ko na din naman kailangan ng nanay para alagaan ako, matanda na ako I can take care of myself"malungkot na aniya.
"Hmm, how old are you?"tanong ko.
"I'm already 21"aniya.
"Matanda kana pala"pagbibiro ko.
"Baby face naman"aniya.
Seriously hindi ko akalain na 21 na siya hindi kasi halata sa itsura niya para bang isang taon lang ang lamang niya sa edad namin ni Gian pero hindi pala.
"Diba sa america ka galing?Bakit ang fluent mong magtagalog" tanong ko.
"Dahil iyon sa nanay ko, si dad magaling mag tagalog at dahil sa kaniya at bata pa lang ako tinuruan niya na ako para daw pag dumating iyong panahon naready na akong puntahan siya dito ay fluent na akong magtagalog"aniya.
"So matanda kana edi graduate kana?"tanong ko.
"Yes I graduated Chemical Engineering but that's not what I really want, its just my second choice"aniya.
"Anong gusto mo?"tanong ko.
"Ikaw" nagulat ako sa sinabi niya. Owemji gusto niya ba ako?
"I mean ikaw, ano ang gusto mo"namumulang aniya.
"Ikaw"seysong sambit ko. Nagulat siyang napatingin sa akin. "I mean ikaw muna, ano ba ang gusto mo?"ngiti kong tanong sa kaniya.
"Bartender"aniya.
"Seriously?"tanong ko.
"Yes whats wrong with that"nakakunot noo na aniya.
"Wala naman parang ang kwan kasi"hindi ko maituloy tuloy ang sinasabi ko.
"Tsk, parang ang baba ba ng pangarap ko? Hindi mo naman mapiligilan kung ano ang gusto mo at ako ang pagiging bartender ang gusto ko"aniya.
"Hindi naman sa mababa wala lang talaga akong kilala na gusto maging bartender"sambit ko.
BINABASA MO ANG
One Last Cry [Unedited]
Teen FictionDid you experienced being hurt again and again to only one person? Wayve did, She always forgive him because of love. Wala eh marupok unting suyo lang bigay na agad. Then one day she realized how idiot she is for always accepted him regardless of wh...