Wayve POV
Pagkagising ko hindi muna ako lumabas ng kwarto. Sabado naman ngayon kaya kahit anong oras ako bumangon. Nahihiya ako sa mga nasabi ko kay mama hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin gayong hindi ko alam kung saan ba yung harap ko jk.
Kinuha ko ang cellphone ko at pagkaopen pa lang ng data nag sunod-sunod na ang tunog nito akala ko naman may ibang nagchat, sa gc lang pala namin iyon.
Nag backread ako sa gc namin na BOBO SQUAD hindi naman sa pagfefeeling ko pero baka mamaya ako na pinaguusapan nila mas mabuti ng alam ko.
Rein: Nakamove-on na nga yun. Its been a years.
Zeb: Pustahan man.
Hayss sila ata ang hindi pa makamove-on simula nung sinabi ni Ace na nakita niya si Froster ganyan na sila. Eh, ano naman kung bumalik na siya wala naman na akong pakielam don.
"Hoy! tigilan niyo na nga ako" chat ko sa kanila.
Poging Ace: Sige nga kung talagang nakamove-on kana, arat inuman sa bar kung saan ko nakita si Froster.
"G" maikli kong reply. Wala naman sa akin iyon beside baka wala din siya doon pero hindi ko naman hinihiling na sana andon siya tss, as if.
Paglabas ko ng kwarto nagtungo na agad ako sa lamesa. Nakakapagtaka kasi may mga nakatakip doon. Pagbukas ko may sinangag na kanin na tsaka corned beef na may patatas. Woww for the first time simula noong lumipat kami dito ngayon lang ako pinagluto ni mama ng breakfast. Nang kumuha ako ng plato may note na nakadikit sa lalagyanan nito.
Kumain kana ng madami ha, napansin ko kasi namamayat kana. Baka gabihin ako ng uwi maghahanap ako ng trabaho, isara mo na lang maigi ang pinto. Take care:)
Napangiti ako ng mabasa ang sulat na iniwan ni mama. Masaya ako kasi sa wakas natauhan na din siya at sana ngayon na ang umpisa ng pagbabagong buhay niya.
Inabot ako ng hapon sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Nilutuan ko na din ng dinner si mama bago ako naligo at nagbihis.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hays sa lumipas na ilang taon feeling ko wala man lang nagbago sa itsura ko sabi nila maganda daw ako di ko naman feel hmm.
Sinundo ako ni Gian sa bahay para sabay kaming pumunta sa bar, syempre alagang sundo pa din ako.
"Okay ka lang?" tanong ni Gian ng hininto niya na ang kotse.
"Ofcourse I am" sambit ko.
"Sure ka?"tanong niya muli.
"Bat naman hindi ako magiging okay" nakangiting sambit ko.
"Pwede pa tayong umuwi" aniya.
"Tss, ngayon na nga lang natin sila makakasama" sambit ko. Yep ngayon na lang ulit kami magkakasama samang barkada ewan ko ba simula noong nag college kami naging busy na lagi.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa bar kinabahan na ako bigla kahit na hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
Napapapikit ako sa ilaw dito, kahit na nagbabar na kami dati hindi padin ako nasanay sa mga ilaw nakakahilo. Inaalalayan naman ako ni Gian hanggang sa makarating kami kung saan sila nakapwesto.
"Hiiiii" masayang bati ni Zeb, tumayo pa ito para mayakap ako. "He's here" bulong nito sa akin. Hindi dapat ako maapektuhan sa sinabi nito, dapat wala akong pakielam kung nandito nga talaga siya.
"Kailangan ko bang malaman yun?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah right nakamove-on kana nga pala" aniya saka kumalas na sa pagkakayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
One Last Cry [Unedited]
Teen FictionDid you experienced being hurt again and again to only one person? Wayve did, She always forgive him because of love. Wala eh marupok unting suyo lang bigay na agad. Then one day she realized how idiot she is for always accepted him regardless of wh...