Wayve POV
Dali-dali akong pumunta sa bahay nila Gian. Shit, nakalimutan kong ngayon na nga pala siya babalik sa America.
Paulit-ulit kong pinindot ang doorbell, ganon na lang ang gulat ko ng bumukas ang gate nila at tumambad sa akin ang kagigising lang na Gian.
"What?" galit na aniya.
"Oh! wag nagagalit lalong papangit" nakangising sambit ko.
Isasara niya na sana ulit iyong gate ngunit pinigilan ko. Hays tama nga iyong kasabihan nila na 'biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising' hahaha.
"Si Froster?"nakangiting tanong ko, nagbabakasakali na hindi pa siya nakakaalis.
"Umalis na" tipid na aniya.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Di ka naman bingi" aniya.
"Tayo na" sambit ko.
"Tayo na? Kahit hindi pa naman ako nanliligaw?" pagbibiro niya.
"Parang tanga, dalian mo kunin mo na iyong kotse niyo at sundan natin siya sa airport" sambit ko.
"Wow, hindi na natin siya maaabutan" aniya.
"Maaabutan pa natin iyon kung bibilisan mo!" mabilis siyang naglakad papunta sa loob ng bahay para kunin ang susi. "Wag kanang magpalit" sigaw ko sa kaniya.
Hinintay ko lang siya dito sa labas ng bahay nila inabot siya ng ilang minuto bago lumabas sakay na ang kotse.
"Sabi ko wag kanang magpalit" sambit ko ng makasakay na ako sa kotse niya.
"Pogi pogi ko tapos nakapantulog akong pupunta don, ekis" aniya.
"Pogi?weh?" pambabara ko sa kaniya.
"Pogi naman talaga ako mas pogi lang talaga sa paningin mo si Froster" aniya.
"Papansin"sambit ko.
"Bakit nga pala hindi mo alam na ngayon ang alis niya?" sumulyap muna siya sa akin saglit bago muling binalik ang tingin sa daan."Hindi ba siya tumawag or nagtext sayo?"
"Nag-text siya" mahinang sambit ko, saka iniwas ang tingin ko sa kaniya.
"Ano sabi niya?" tanong nito.
Ang chismoso naman ng isang to. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba pero sige na nga.
"Sabi niya, thank you for everything tas take care always, uh-mm" hindi ko alam kung kailangan ko pang sabihin iyong last na text ni Froster.
"Tapos? Iloveyou muah muah chupchup,pfftt" natatawang aniya.
"Hindi" malungkot na sambit ko buti nga sana kung iloveyou yung text niya kaso hindi.
"Ano?"tanong niya.
"Uhmm, ano sabi niya let's break up" nahihiyang sambit ko.
Napalingon ako sa kaniya ng bigla niya na lang ihinto ang pagdadrive niya.
"What?" nakakunot noong aniya.
"Di ka naman bingi" panggagaya ko sa sinabi niya sa akin kanina.
"So, bakit mo pa siya hahabulin kung nakipag-hiwalay na pala siya sayo" aniya.
"Syempre malay mo prank lang, uso kaya ang prank prank na yan" nakangiting pilit na sambit ko.
"Kung ayaw na niya, kung sumuko na siya wala ka ng magagawa pa"aniya.
Natigilan ako sa sinabi niya. May part sa akin na sumangayon sa sinabi niya.
"Malay mo nga diba, sige na ipaandar mo na yan. Malapit na nga tayo oh!" sambit ko habang tinatanaw ang Philippine Airline.
BINABASA MO ANG
One Last Cry [Unedited]
Teen FictionDid you experienced being hurt again and again to only one person? Wayve did, She always forgive him because of love. Wala eh marupok unting suyo lang bigay na agad. Then one day she realized how idiot she is for always accepted him regardless of wh...