Chapter 4

119 73 144
                                    

Wayve POV

Finally, mag-eexam na final for first sem. Excited na ako kasi kapag nayari na yun sembreak na, yaayy!

"Hoy" nilingon ko si Gian ng tawagin ako nito.

"Pinoy ako" sambit ko.

"Alam ko. Alam mo ba?" seryosong aniya.

"Hindi mo pa naman sinasabi. Paano ko malalaman? nakatingin ako sa kaniya ng seryoso. "Manghuhula ako, pre?"

"Feeling ko babagsak ako ngayong final"
aniya.

I know that Gian still care for his grades. Kahit na gago iyan, kinakabahan din yan.

"Aralin mo kasi iyong mga lesson. Magreview ka"

"Nagrereview din naman ako sadyang nakakalimutan ko lang talaga" napakamot pa siya sa ulo niya ng sabihin niya iyon.

"Hindi mo naman kasi talaga matatandaan lahat. Review, trust yourself, pray to God and don't cheat then you'll pass the exam" kinindatan ko siya saka iniwas ko na ang tingin ko, nakita ko naman iyong mga kaklase kong mabilis na nagsisibalikan sa kani- kanilang upuan.

"Ilayo mo na yang bangko mo paparating na si ma'am" sinunod niya naman ang sinabi ko at hindi din nagtagal dumating na si Mrs.Yacapin.

"Good morning" pagbati niya sa amin. Tatayo pa lang sana kami ng bigla din siyang nagsalita. "No need. I know you already knew this but let me remind to all of you that our final examination for first semester will be next week. We still have a lot of lessons that have not been studied yet" dire-ditetsong aniya habang binubuklat na nito ang libro.

Edi, tumakbo na lang para mahabol. For sure matatambakan na naman kami ng mga projects and assignments.

Mabilis natapos ang oras at ngayon ay recess na. Magkakasabay kaming magkakaibigan na nagrerecess sa araw-araw.

Naabutan na namin sila sa cafeteria. They are already sitting and they have food in front of them. Gian was the one who bought my snack so I sat down next to Zeb.

"Oh, bakit ganyan mga itsura niyo?" tinignan ko sila isa-isa. "Para kayong namatayan"

"Kinakabahan lang sa exam" sagot ni Ace.

"Ay, weh?" nanlalaking matang tanong ko. Bumaling naman ako kila Rein at Zeb na natahimik din at tila may mga iniisip.

"Oy, bat tahimik din kayo?" tanong ko sa dalawa. Nakakapanibago lang kasi kadalasan pagdating namin dito ni Gian maingay na silang nagdadaldalan pero ngayon parang may naglilista ng noisy.

Tinignan ako ni Rein bago magsalita."Hindi ako pwedeng bumagsak ngayon" napabuntong hininga pa siya ng sabihin niya iyon.

"Kayo ba yan?" hindi makapaniwalang tanong ko. Gago, mga seryoso sila. Imagine yung mga tropa kong loko mga kinakabahan sa exam.

"Oh, kami lang to" sambit ni Zeb.

"Bakit ang tahimik niyo?" tanong ni Gian. Marahil ay nagtataka din sa kanila. Inabot naman niya sa akin iyong binili niyang fries at juice. "Ayos lang ba kayo?" tanong niya ulit ng hindi man lang kumibo ang mga ito.

"Ofcourse" tipid na sagot ni Rein.

"Ayos na ayos" nakangiting sagot ni Ace.

"Zeb, ayos ka lang?"baling ko sa kanya.

Tinignan niya ako saka tipid na nginitian. "Oo naman" aniya. Hindi naman siya mukhang okay. Tss, dakilang pretender. Maybe its because of her heartbreak. Sana lang talaga hindi maapektuhan nun yung pag-aaral niya.

One Last Cry [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon