Wayve POV
Lumipas ang araw at buwan naging mas malapit pa kami ni Froster sa isa't isa hanggang sa niligawan niya na ako at ngayon ko siya balak sagutin.
Naexcite ako sa kadahilang sasagutin ko na si Froster. Wait ano ba iyong sinasabi kapag sinasagot mo ang manliligaw mo? Arrgh first time ko kasing mag boyfriend so wala akong kaalam alam diyan.
Hays bahala na nga, tinignan ko ang sarili ko sa salamin may usapan kasi kami ni Froster na pupunta kami ng tagaytay ngayon.
Hindi naman na ako nakapagpaaalam kila mama at papa na aalis ako ngayon dahil nga lagi silang wala dito sa bahay. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari at kung ano ba ang mga ginagawa nila.
Paglabas ko ng bahay nakita ko ang malungkot na itsura ni Gian. Nitong mga nakaraang araw kasi simula nung nalaman nila na may balak na akong sagutin si Froster iniiwasan na ako nito kaya nagulat ako ngayon na nandito siya.
"Gian"gulat kong sambit.
"Can we talk?"malungkot na aniya.
Tinignan ko ang oras, 3 pm pa lang naman.
"May pupuntahan ka ba?"tanong niya
"Uhhm,oo"naiilang tuloy ako.
Bumuntong hininga siya saka umiling. Ano naman kaya ang problema ng isang to?
"Bakit?,Anong problema Gian?"nagaalalang tanong ko.
"Ako ang may problema"tumingin siya sa mga mata ko ng sabihin niya iyon kitang kita sa mata nito na nasasaktan siya.
"Wayve mahal kita"nagulat ako sa pagamin niya bilang kaibigan lang naman iyon diba?Hindi dapat ako magisip ng kakaiba sa sinabi niya dahil magkaibigan lang kami at ang magkaibigan ay hindi dapat nagiibigan.
"Gian"hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
"Mahal kita higit pa sa kaibigan at ang sakit lang na iyong mahal mo ay iyong taong hindi ko matanggap sa buhay ko"may tumulong luha sa mga mata niya ng sabihin niya iyon.
Ayoko, ayokong marinig ang mga ganiyang salita galing sa kaibigan ko.
"Gian, alam mo--"
"Alam kong magkaibigan lang tayo at hanggang dun lang yun, alam ko naman Wayve na si Froster ang mahal mo at hindi ako"umiwas siya ng tingin sa akin "Alam ko na kahit ako iyong nauna, ako iyong mas nandyan para sayo hindi pa din ako ang pipiliin mo para mahalin mo"malungkot na aniya.
"Gian, hindi mo matuturuan ang puso mo kung sino ang dapat mong mahalin, kung pwede lang sana edi wala ng mga taong nasasaktan ngayon dahil kung natuturuan lang ang puso mas pipiliin ng mga tao iyong mga taong nagmamahal sa kanila kaysa iyong mga taong mahal nila" minsan mas maganda na ding piliin iyong mas mahal ka kaysa sa mahal mo pero ang puso natin ay hindi natuturuan kaya sa huli iyong mahal mo pa din ang pipiliin mo.
"Umamin ako kasi nagbabakasakali ako"lumuluha pa ding aniya. "Pero una pa lang pala walang wala na ako"aniya.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap ito hindi ko namalayan na tumutulo na din pala ang mga luha ko.
"No Gian, mahal kita God knows mahal na mahal kita Gian"sambit ko habang lumuluha nadin.
Habang magkayakap kami ni Gian nakita ko si Froster na nakatingin sa amin kita sa mga mata nito ang galit.
"Froster!"tawag ko sa kaniya habang hindi pa din inaalis ang pagkakayakap kay Gian.
Hindi naman ako nito pinansin at dire-diretso ng lumabas.
"Froster?"tanong ni Gian at kumalas na sa yakap.
"Oo nakita niya tayong dalawa at for sure narinig niya din ang sinabi ko"sambit ko.
BINABASA MO ANG
One Last Cry [Unedited]
Teen FictionDid you experienced being hurt again and again to only one person? Wayve did, She always forgive him because of love. Wala eh marupok unting suyo lang bigay na agad. Then one day she realized how idiot she is for always accepted him regardless of wh...