02

73 3 3
                                    

"Problema mo, Austin? Ang aga-aga tumatawag ka na." 

He laughed from the other line. "Tanghali na, bumangon ka dyan." 

Lumingon ako sa orasan sa aking side table at nakita na 12:15 na ng hapon. Napakamot nalang ako sa mga mata ko. Paniguradong papapagalitan nanaman ako ni Mom dahil late ako nagising.

"Puyat ka ba? Ba't parang ang late mo nagising ngayon?" tanong niya.

I sighed, ramdam pa ang antok sa katawan ko. "Tinapos ko yung latest season ng Money Heist."

"Kaya pala." Austin chuckled "Ganda ng gising natin ah, sungit agad."

"Bakit ka ba tumawag? Miss mo'ko?"

"Feelingero." He scoffed. "Swimming tayo dito sa'min. Libre pagkain kaya sumama ka na."

"Sige lang. Anong oras magkikita?" tanong ko.

"Ngayon."

"Aba, ayos tayo d'yan ah." I laughed, napakademanding naman nito. "Ano ako, the flash?"

"Pwede rin. Tutal, mabilis ka magpalit-palit ng babae. Speed kung magmove-on."

"Aguy, grabs naman erp." I chuckled, not taking his insult to heart. "Sige na, see you later."

"Maligo ka ah! Baho mo pa naman."

Pinatayan ko siya ng tawag at umirap. Lakas talaga mantrashtalk ng kaibigan ko. Napakahilig pa manlait.

Bumangon ako at pumunta sa banyo para maligo. Nagsuot ako ng board shorts at muscle t-shirt, at naghanda rin ng pamalit ko matapos ang swimming. Gutom na gutom na ako, kaso wala na akong oras para kumain. Ang hilig talaga mag-aya ng biglaang gala ni Austin, kung 'di ko lang 'yun mahal tinulugan ko na 'yun.

Nagpaalam ako kay Chelsea bago umalis at sumakay sa kotse ko upang pumunta kina Austin. Mas maingat ako nagmaneho ngayon, mamaya may lumabas nanaman na aso sa kalye pabigla-bigla. Mahirap na.

Hindi na ako kumatok at dire-diretso na akong pumasok sa bahay. Ilang beses na ako nakapunta dito, may nakareserbang parking na para sa akin. Konti nalang tumira na ako sa kanila dahil sa dalas ko dito.

"Austin! I'm home!"

Umupo ako sa may sofa at nilabas ang cellphone ko. Minessage ko saglit ang nanay ko na nandito ako, mamaya kasi hanapin ako bigla. Tahimik ang lugar, mukhang ako palang ang tao dito. Nascam nanaman ako ng loko. 'Kala ko ba ngayon na yung swimming?

Nagulat ako ng may aso na biglang tumalon sa tabi ko at tinahulan ako nito. "Pucha!"

Naghahallucinate na ata ako. Wala naman aso sina Austin, ba't nagkaroon bigla!? Kamukha pa ng aso na muntik 'kong sagasaan! Nababaliw na ba ako?

"Tala? Where are you?"

Lumaki yung mata ko sa gulat ng makita ko ang babaeng nakilala ko sa kalsada nung isang araw. Napatigil din siya sa kanyang kinakatayuan, nagulat din na makita ako.

"Ikaw nanaman?"

She looked alarmed. "Why are you here?"

"Anong why am I here? Best friend ako ni Austin." I answered, looking confused. "Why are you here?"

Bago pa siya makasagot, tumungtong sa hita ko yung aso at nagsimulang amuyin ang mukha ko. I froze in shock, lalo na nung nagsimula siyang dilaan mukha ko.

"Ew! No Tala! He's dirty!" Dinampot ng babae yung aso niya mula sakin.

I looked at her, offended. "Anong dirty? Bagong ligo ako, hoy." Tinuro ko yung buhok kong basa.

Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon