"Ba't ko sinabi 'yun?"It's been a week since the bonfire. Seven whole days since I stupidly gave in to my jealousy and indirectly confessed that I felt something towards Summer.
"I'm jealous Summer."
Lumaki ang mga mata niya, tila hindi mawari ang mga salita na lumabas sa aking bibig. "N-nagseselos ka? Bakit?"
"Hindi ko rin alam," sagot ko at iniwasan ang kanyang tingin. Hindi naging klaro ang isip ko mula sa gulat matapos ko sabihin ito.
Tumingin siya paharap at naglabas ng isang buntong-hininga. "Let's just go. Gabi na."
I cringed at the memory. Pwede naman ako gumawa ng ibang dahilan, bakit ko pa sinabi 'yung totoo? Tsaka hindi naman talaga ako nagseselos. The darn word was foreign in my dictionary. Pero ba't pagdating sa kanya, nararamdaman ko ang mga hindi dapat maramdaman?
Because you like her, you dimwit.
"Bobo ko," mahina kong sinabi sa sarili. "Ba't ko kasi sinabi 'yun?"
"Ba't mo kinakausap sarili mo?"
Lumingon ako kay Marcus na puno ng pagtataka ang mukha. Umiling ako at sinagot siya. "Hindi ko kinakausap sarili ko."
"Para 'tong baliw," he muttered. "Ilang araw ka na wala sa sarili. Sigurado ka ba na ayos ka lang?"
"Oo naman. Ba't naman ako hindi magiging maayos?" tanong ko.
Tinitigan nito ang aking mukha ng matagal upang suriin kung nagsisinungaling ako. "May iba kasi sayo e. 'Di ka naman ganyan dati. Dati abalang-abala ka sa pambababae mo, ngayon parang tumahimik love life mo."
"Hindi ba pwede wala lang akong interes sa ganyan ngayon?" sinimangutan ko siya.
Nawalan na ako ng gana na ubusin ang oras ko sa mga iba't-ibang babae. Si Summer lang ang gusto ko pag-aksayahan ng oras ko. 'Yung kaisa-isang babaeng hinahabol ko, hindi ko pa makuha.
"Sino ka at anong ginawa mo kay Chase?" asar nito at sinabayan ng mahinang tawa. "Damn dude. If I didn't think it was impossible, I would actually think that you finally fell for someone. Parang kilala ko na nga kung sino e-"
"Tigilan mo 'ko, Marcus," bigla ko 'to pinutulan tinignan ko siya ng masama. "Isang salita mo pa ihahampas ko sayo 'tong payong na hawak ko."
He gave me an amused smile. "Wala pa nga ako sinasabi. Affected agad."
Inirapan ko siya at tinawanan niya lang ako. Kahit madalas loko-loko si Marcus, napaka-observant nito. Walang bagay na hindi niya napapansin at kahit kauting pagbabago lang ng isang tao ay nahahalata niya. Masyado na atang obvious ang nararamdaman ko. I needed to control my emotions better, especially when I'm around her.
Papunta kami sa isang beach ngayon na sikat sa La Paraiso. Medyo may kalayuan ito sa bayan kaya matatagalan ang byahe. Nagpasya nalang kaming lahat na palipasin ang gabi doon at nagrent ng isang beach house.
Biglang dumating ang isang itim na Fortuner sa tapat namin. Bumaba ang bintana nito at biglang pinakita si Austin. Kumaway ito at nagsalita. "Tara na, alis na tayo."
Nilagay namin ang mga gamit at pagkain sa likod bago sumakay. Nagtabi ang dalawang magkasintahan na si Jill at Marcus malapit sa bintana. Malamang maglalambingan ang dalawa at ayoko itong tiisin lalo na't mahaba ang byahe. Baka masuka lang ako.
Umatras ako at pinauna si Anika. "Mauna ka na Niks. Ako na sa may pinto."
"Ayoko nga! Ikaw na tumabi sa dalawa," tanggi nito.
BINABASA MO ANG
Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]
Teen FictionChase and Summer hated commitment, so they agreed on three things: no labels, no attachments, and most especially, no falling in love. All they wanted was to make the most of their summer vacation. Fun didn't require any strings attached anyway. Wh...