"Javier." I heard my attention get called.
Tumalikod ako at humarap sa professor namin. Tipid akong ngumiti para hindi mahalata ang matinding kaba ko. Ang hirap kasi basahin 'tong prof. Hindi mo malaman kung bumabagsak ka o pumapasa sa subject niya. Palagi siyang nakasimangot. Nakakatakot.
"Sir," I spoke. "Bakit po?"
"I reviewed your plates." nanlamig bigla ang dugo ko sa sinabi niya.
Kapag sinabi niya talaga na pangit 'yung mga gawa ko, iiyak na talaga ako. Halos gabi-gabi kong pinagpupuyatan ang paggagawa ng mga 'yun. Ubos na ubos na ang pera ko sa materials at kape! Konti nalang talaga mababaliw na ako dahil sa course na 'to. Sayang naman effort ko kapag ikababagsak ko pa 'yung mga drawing ko.
"It's good. You have talent, son," he patted my shoulder. "Keep it up."
Lumaki ang ngiti ko sa sinabi niya. I bowed slightly to show respect. "Salamat po, sir. Una na po ako."
I felt the weight slightly lighten by my professor's words. Kahit papaano, naibsan ang aking pagod at pag-aalinlangan. At least I knew that my efforts weren't going to waste. Ginagawa ko talaga ang lahat para maging isang Arkitekto. Hindi biro ang pagod, pero alam ko sa dulo ay magiging sulit ito. Gusto ko patunayan sa sarili ko na kakayanin ko. Tsaka, mayroon namang nag-iinspire sa'kin na tumuloy kaya hindi naman ganun kahirap na maganahan.
Lumabas ako ng classroom at nakitang naghihintay ang mga kaibigan ko. Lumapit ako sa kanila para sabay-sabay na kami pumunta sa next subject namin.
"Eli!" inakbayan ako ni Gia at yumuko ako para maabot niya ako. "Ano? Kamusta usap niyo ni Sir? Bagsak ka na ba raw?"
"Asa ka pa," I scoffed. "Ganda daw ng gawa ko. Manginig ka na sa ingget."
"Asus! Tsamba!" she stuck out her tongue at me. "Umasa pa naman ako na bababa ka. Lugi naman kasi kami sayo! Ang galing masyado!"
I chuckled and ruffled her hair. "'Wag ka mag-alala, tulungan kita sa next submission. Sabi nga, share your blessings to the less fortunate."
"Tse! Pinuri ka lang yabang mo na," she laughed.
"Ang cute niyo talaga 'no?" nginitian kami Kyros. "Bagay na bagay talaga kayo."
Tumango si Ray. "Oo nga. Nilalanggam na kami sa sobrang sweet niyo."
Gia's eyes widened, pushing me away playfully. "Ew! No thanks! I have a boyfriend, remember?"
"Maka ew ka naman! Ganda ka?" I fired back, rolling my eyes. "Hindi rin kita type for your information. Dun ka na sa boyfriend mong kinulam mo."
"At least ako may boyfriend!" sumbat niya.
"Ay wow, foul na 'yun ah. Bawiin mo 'yun," I jokingly held a hand to my chest, faking my pain. "I feel my heart crack. It's broken."
Kyros slung his arms around the both of us. "Tama na nga 'yan. Parang naman kayong aso't pusa. Mukha kayong hayop pero 'wag niyo naman panindigan."
"Nakikisali ka pa. Sige ano, salita pa!" Gia pinched Kyros's ear making him wince with pain.
"Aray! Panget mo, Gianna Marie! Bitawan mo 'ko! Report kita sa DO, sige ka!"
"Sige gawin mo! Hatid pa kita dun. Gusto mo maging i-translate ko pa sa English lahat ng kalokohang lalabas sa bunganga mo?"
Ray chuckled lightly at how chaotic we were. "Ang gugulo niyo. Halatang mga gutom na. Tara, kain muna tayo. Nag-message si Sir na free cut na."
We walked together along the corridors, making our way out of the building. They were my block mates turned into friends. All of us were in our 2nd year of Architecture. I was stuck with them since the first day we met during the orientation. They've just bothered me until I had no choice but to befriend them.
BINABASA MO ANG
Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]
JugendliteraturChase and Summer hated commitment, so they agreed on three things: no labels, no attachments, and most especially, no falling in love. All they wanted was to make the most of their summer vacation. Fun didn't require any strings attached anyway. Wh...