26

35 1 0
                                    

"Hoy! Gumising ka d'yan!"

I groaned in annoyance when I felt the comforter being stolen away from me. My hand reached over for a pillow and covered my face with it. Suddenly, I was being attacked in my sleep. I was forced to open my eyes to meet the culprit. 

"Wake up, sleeping ugly!" malakas na sinigaw ni Marcus. 

Hinampas ulit ako ng unan ni Austin. "Ang tamad mo. Kanina pa kami dito. 'Wag mo na kami paghintayin." 

"Go away," I mumbled, still feeling sleepy. "Bug me later. Naantok pa ako." 

"Anong naantok ka pa? Hindi pwede! Nakalimutan mo ba kung anong araw ngayon?" Marcus took my last pillow away from my hold. "Birthday celebration mo ngayon, baliw!" 

Bawat taon, sinasalubong naming magkakaibigan ang kaarawan ko. Palagi kaming pumupunta sa beach at nagdidiwang doon. Mula nung naging magkakaibigan kaming lima, walang kaarawan ko ang lumilipas na hindi kami magkakasama. 

Ngayon na pala 'yun. Hindi ko na rin kasi pinapansin ang mga petsa na lumilipas. Before, I would be excited to celebrate this day. But this year was different. I wasn't in the mood to celebrate. Why be happy when you were just a year closer to your deathbed? 

Huh, I was never this bitter about celebrations before. Hay basta, wala talaga ako sa mood.  

"Kayo nalang pumunta. Iwanan niyo nalang ako dito," I rolled over and closed my eyes again. 

"Ayos ka lang? Birthday celebration, pero wala 'yung celebrant? Hindi pwede!" Marcus exclaimed. "Austin oh! Ang kulit ni Chase!" 

Austin frowned. "Hindi ka tatayo d'yan?" 

"Hindi," barumbado kong sagot. "Wala ako sa mood mag-celebrate. Pass ako."

Bigla akong hinila mula sa dulo ng paa ko at nahulog ako sa kama. Bigla akong dumilat ng maramdaman ang matinding sakit sa balakang ko. Malakas na tumawa si Marcus at nakangising tinignan ako ni Austin. 

"Hahaha! Buti nga sayo! Kulit mo kasi!" humalakhak si Marcus. 

Austin chuckled at the sight of my annoyed expression. "Tumigil ka na kakamukmok at magbihis ka na. You have 10 minutes kaya bilisan mo." 

Lumabas sila ng kwarto ko para iwanan akong magbihis. Napatingin ako sa nakahandang backpack sa gilid ng kwarto ko. Ginalaw nila gamit ko? Talagang gusto nila ituloy 'tong gala namin ah. Sabagay, naka-book na rin kasi ang pagtutuluyan namin. Sayang naman ang reservation kung hindi kami tutuloy. 

I took a shower and chose the first item of clothing I could find in my closet. I wore dark blue board shorts partnered with a loose white short-sleeved button up. I didn't bother fixing myself up and settled for this. Lalangoy lang naman kami, hindi rarampa sa fashion show. 

I said goodbye to my parents and Chelsea before leaving. Yes, they were back in the house. Mom and Dad talked it out a few days back. They decided that they would make amends and try to get things back on track for Chelsea's sake and mine. It wasn't easy for them to get back to they way they were, but they were trying their hardest little by little. I knew they would be fine. They loved each other enough to overcome whatever they've gone through. 

Ang masasabi ko nalang, sana all. 

Sumakay ako sa likuran ng kotse ni Austin at napansing tatlo lang kami sa loob. "Asan na si Anika at Jill?"

"Nauna na sila dahil ang tagal mo gumising. Doon na tayo magkikita," paliwanag ni Austin at nagsimulang magmaneho. 

Natulog lang ako buong byahe. Paano ba naman kasi, ang aga nila akong ginulo. Hindi naging sapat ang tinulog ko kagabi. Malayo-layo ang pupuntahan namin kaya nagtagal naman ang idlip ko. Paggising ko, nandoon na kami sa tapat ng resort. Pinilit ko ang sarili ko bumaba kahit tamad na tamad akong gumalaw. Mas masaya pa nga si Austin at Marcus ngayon kaysa sa 'kin. Aakalain mo sila ang may party, hindi ako. 

Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon