That damn kiss kept me up all night.
Lahat na ata ng dapat gawin para makatulog, ginawa ko. Ilang beses akong umikot-ikot sa kama, nagbilang ako ng mga tupa sa utak ko, pati pakikinig sa nakakaantok na musika pinatulan ko na. Umasa ako na baka sakaling bisitahin ako ng antok, pero hindi talaga ito dumating. Tuwing pumipikit ako, naalala ko lang lahat ng nangyari sa'ming dalawa.
I still felt her soft lips on mine, how she tasted like alcohol and mint, her hands running in my hair. God, that girl was driving me insane. Hindi naman 'yun ang unang beses na may makahalikan akong babae, pero bakit ang laki ng epekto sa 'kin pagdating porket si Summer gumawa? Kilig na kilig ako, para naman akong 'di experienced. Tsaka lasing ako kagabi! Wala dapat meaning 'yun!
I winced once sunlight shone through the curtains. Inabot na pala ako ng umaga. Kahit man lang isang minuto ng tulog 'di ko natanggap.
Tumingin ako sa dalawang tulog sa tabi ko. Hindi ko na sila nasundo kagabi sa kaguluhan ng utak ko. Pagdating ko sa kwarto, nakahilata na sila sa kanya-kanya nilang kama. Buti kinaya pa nila maglakad, o baka naman pinilit lang sila bumalik ni Jill.
Hindi na ako umasa na makatulog ulit, kaya bumangon na ako at inayos ang sarili. Natapos ako sa banyo iniwan ang dalawang tulog. Sigurado naman ako na mamaya pa sila magigising. Lumabas ako sa kwarto at naglakad-lakad sa beach at pinagmasdan ang pagsikat ng araw. Malamig ang simoy ng hangin kasabay ng malakas na paghampas ng alon. Nagpasya akong umupo sa buhangin at harapin ang bumabagabag sa isip ko.
There was no point in denying the fact that I felt strong emotions toward Summer. Sinubukan ko naman pigilan ang sarili ko, pero tuwing magkasama kami ay lalo lang ako nahuhumaling sa pagkatao niya. I was beyond terrified of my feelings because it made me do things I never should've done. Alam ko naman kung saan ang hangganan ko, ngunit nakakalimutan ko lahat kapag kasama ko siya.
I knew I liked her, but how much was I willing to do with what I felt? It has only been a month and she already found a way to mess with my mind. Pero tama siguro siya, pigilan ko na 'to habang maaga pa. I knew she was perfectly capable of breaking my heart, and I was capable of breaking hers too. Parehas kaming hindi magtatagal dito sa La Paraiso. No matter how fun summer vacation was, it always had an end. Matatapos din lahat sooner or later, kaya para saan pa ang pagsugal?
I think its best to end things before it even started to save both of us the heartbreak.
Nabalik ako sa realidad ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Lumingon ako at nakitang si Summer ito. For a woman who was close to drinking to oblivion last night, she looked normal. Parang wala siyang hang-over sa itsura niya ngayon.
She gave me a small smile. "Good morning."
"Napaaga ata gising mo," wika ko, trying my hardest to play it cool. "Kamusta pakiramdam mo?"
"Medyo masakit ulo ko, pero kaya naman," sagot niya at tumingin sa dagat sa harap namin. "Hindi naman na ako makatulog, kaya nagpahangin nalang ako."
Inalis ko ang aking tingin sa kanya. 'Di rin pala siya nakatulog. Naaalala niya pa kaya ang nangyari kagabi? Sobrang lasing niya kagabi, baka hindi niya na natatandaan. Hindi naman siya tatabi sa 'kin ng ganito kung oo. She always pushes me away once something between us happens.
"May naaalala ka pa ba sa nangyari kagabi?" hindi ko naiwasang itanong. Dinaan ko nalang sa asar ang awkward tension naming dalawa. "Itutuloy mo na ba concert mo, Moana? O hahanapin mo pa si Patrick?"
Uminit ang pisngi niya at mahina akong hinampas sa braso. "'Yan pa talaga pinaalala mo?"
"Ba't ko naman papalagpasin 'yung pagkakataon na maasar ka?" ngumisi ako. "'Wag na 'wag ka na ulit kakanta, utang na loob. Baka sumabog eardrums ko kapag inulit mo 'yun."
BINABASA MO ANG
Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]
Teen FictionChase and Summer hated commitment, so they agreed on three things: no labels, no attachments, and most especially, no falling in love. All they wanted was to make the most of their summer vacation. Fun didn't require any strings attached anyway. Wh...