33

55 1 2
                                    

Life never felt like how others would describe it. 

All the people around me held high regard of being in love with living. They spoke of it so animatedly, it almost seemed cliche and romanticized. I failed to understand why they saw it that way. For me, life felt like you were just here to breath and wait for the each day and begin and end. A never ending cycle. 

I never felt alive. At least not yet. 

My bag fell to the floor with a thump as I threw myself onto the couch. Sinara ko ang mga mata ko at humiga. Nitong mga nakaraang araw, ang daming pinapagawa sa klase. Palibhasa kasi, graduating class kami kaya andaming kailangang ipasang requirements. Ilang araw nalang, gagraduate na ako. Kaunting tiis nalang. 

Naramdaman ko ang isang presensya sa harapan ko. Dumilat ako at nakitang nakatayo sa harapan ko si Tita Julie. Nakasuot pa siya ng apron at naka-pusod ang kanyang buhok at nanggaling pa sa kusina. Umupo ako at nag-mano sa kanya bilang bati. 

"Jusko kang bata ka, ang gulo ng buhok mo!" hinawi niya ang buhok ko paalis sa aking mukha. "Ano ba nangyayari sayo? Ang haggard mo! Diba sinabi ko sayo kapag papasok ka, dapat palaging fresh?" 

I rolled my eyes and tied my hair up so she would stop her nagging. "Wala na po akong oras maging fresh, Tita. Mauuna ko pa ba 'yun kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos, may kailangan gawin?"

"Pababauin na talaga kita ng suklay. Kaya hindi ka nagkakaroon ng boyfriend, e," she mumbled, putting away my bag. 

"Tita," I whined. Ayan nanaman tayo. "Tama na nga sa boyfriend na 'yan. Sabi ko naman sayo na ayoko ng mga ganun." 

"Dapat hindi ka masyadong nagseseryoso sa edad mo. When I was your age, aba! Sa ganda ng Tita mo, ang daming manliligaw na pumipila para sa'kin! Ang hirap mamili! Mas cool pa ako sayo," she cockily said. 

"Good for you," I said, secretly rolling my eyes. "But I'm fine. I don't need a relationship right now."

"Puro ka nalang aral at tulog. You look like a zombie these days, hija. Ayaw mo ba ng kahit konting kilig sa buhay mo?  I just want you to go out and enjoy your life!"

"I'll enjoy when Mother and Father are proud of me." 

Bahagyang naglaho ang ngiti sa labi ni Tita. Tinabihan niya ako at hinawakan ang balikat ko. "Anak, babalik nanaman tayo sa pinag-usapan natin—" 

"There's no other person you should please but yourself," I said, repeating the reminder she kept telling me whenever the topic came up. "I know, Tita. I haven't forgotten." 

Lahat ata ng nangyayari sa buhay ko ay alam ni Tita Julie. Mula sa trato sa'kin ng mga magulang ko hanggang sa tinatago kong sama ng loob sa kanila, alam niya. Walang nakakalagpas sa kanya. She knew me like a mother would know her own child. Hindi ako marunong magtago sa kanya. Siya na nga lang ang napagsasabihan ko, itatago ko pa ba? Tita knew me best than anyone else. She was the only one who felt like family to me. 

"Kamusta school?" she asked, changing the subject. 

"Nakakapagod. Araw-araw nalang akong puyat," reklamo ko. Nahahalata naman niya siguro dahil sa tuwing umuuwi ako rito, dumideretso ako sa kwarto at natutulog nalang. Saka nalang niya ako ginigising kapag kinakailangan ko na bumalik sa bahay. 

She chuckled lightly. "Ikaw kasi, 'wag mo masyado i-stress sarili mo. Sigurado naman ako makakagraduate ka ng may medalya! Ang tali-talino mong bata, ano pa ba ipinag-aalala mo?"

"Baka kasi hindi ako umabot sa top 3. I don't want Mother and Father to get disappointed," I confessed. 

Tita sighed. "Hay nako. Ay siya, bago ka matulog, may ibibigay ako sayo."

Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon