17

40 1 3
                                    

"Bakit kasi dito tayo sa likod? Wala akong makita!"

Jill sighed, pinching the bridge of her nose. "Babe, masyado kayong matangkad para pumwesto sa harapan. Kawawa naman 'yung mga nasa likuran mo."

We stood at the farthest part of the concert grounds. The stage was barely seen from where we were. It was fine with me anyways for I didn't care. But Marcus on the other hand, was complaining non-stop.

"Kasalanan ba namin ni Chase kung pinagpala kami ng tangkad? 'Di na natin problema 'yun," he whined like a child. "Buti nga kami lang ni Chase 'yung nandito, Twin Towers lang. Paano pa kaya kung dumagdag si Austin? Aba, Petronas Tower na!" 

Napatakip ako ng tenga sa ingay ni Marcus. Napakadaldal talaga ng taong 'to. "May nilunok ka bang megaphone? Tinalo mo pa 'yung mga speaker dito sa lakas ng boses mo!" 

"Ano?! Hindi kita marinig sa lakas ng boses ko!" sinigaw niya deretso sa tenga ko. 

Tinulak ko ang mukha niya palayo. "Doon ka nga! Baho ng hininga mo!" 

Nagtinginan si Jill at Summer habang nagtatalo kami ni Marcus sa tabi nila. Napailing nalang silang parehas at tinuon ang pansin sa harap. Hindi pa nagsisimula ang concert dahil late dumating ang ibang artists na tutugtog. Naghihintay lang kami rito sa pinakalikod na bahagi dahil sa pagpipilit ni Jill. Halata namang hindi natuwa dito si Marcus dahil hindi siya tumigil sa pagrereklamo. 

Summer looked around the crowd, looking for someone. "Si Anika? Kanina pa siya wala."

"Hindi ko nga ma-contact e. Mahina kasi signal dito kaya hindi ako makatawag," Jill answered with a worried look on her face. 

"Saan na kaya napunta 'yun?" nagsimula ring mag-alala si Summer. 

Bigla nalang kumaway si Marcus sa malayuan. "Hoy Anika! Nandito kami! Hoy lingon dito! Anong mukha 'yan? Para kang batang nawawala!"

Agad kaming lumingon sa pinagtutuunan ng pansin ni Marcus. Nahirapan akong makita siya agad dahil sa rami ng taong nasa paligid namin. 

"Papalapit na ba siya?" tanong ni Jill.

Umawang ang labi ko ng makita ko siya pati ang taong kasunod niya. "Oo...kasama niya si Austin."

"Si Austin?!" gulat na tinanong ni Summer. "Sila lang dalawa?" 

"Hindi, may mga kasama sila." 

Napataas ako ng kilay ng makalapit silang parehas sa 'min. Si Anika, may kasamang lalaki. Siya siguro ang tumawag sa kanya kanina. Si Austin naman na hindi man lang nagsabi na pupunta ay may dala ring babae. Kailan pa nagkaroon ng mga love life mga 'to?! Masyado atang sineryoso ang pang-aasar namin at nagdala ng mga date. 

"Uy Niks! Antagal naman ng tawag mo. Nagkwento ka ba ng life story sa kasama mo?" Marcus joked, then his eyes fell to Anika's companion. "Uy Hunter! Nandito ka rin pala pre?"  

Our batch mate, Hunter, laughed. "We just bumped into each other a while ago. Purely a coincidence." 

Anika shifted awkwardly on her feet as her eyes stared at the floor. I looked over at Austin who was silent, wearing a poker face.  

"Late ka," nagamit ko na rin sa wakas 'yung linyang 'yun kay Austin. "Bakit ngayon ka lang? Anong oras na?" 

"What are you, my mom?" Austin scoffed. 

Tumingin ako sa babaeng inaakbayan niya. I gave him a teasing smile. "Pakilala mo naman kami sa kasama mo, Austin." 

"Ericka, my friends. Friends, this is Ericka." 

Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon