16

34 1 3
                                    

"Why are they staring?" 

Napatingin ako sa paligid at nakitang ang maraming matang binibigyan kami ng atensyon. Hindi man lang sila nagpasimple at lantaran kaming pinagbubulungan at hinuhusgahan. Lihim akong umirap. Andami talagang chismosa sa mundo, lahat nalang ng bagay ginagawan ng issue. 

I returned my gaze on Summer and shrugged. "Baka namamangha sila sa kagwapuhan ko." 

"Sa'kin sila nakatingin, 'wag kang feeling," she said, looking at the crowd in confusion. "Sana nga sayo nalang 'yung atensyon nila. Kita mo 'yung mga babae dun? Kung nakakapatay ang tingin, kanina pa ako tumumba rito." 

She pointed to a group of girls who were looking, more like glaring, at our direction. They were sophomores from our high school. Sila 'yung grupong gumugulo sa'kin tuwing sabay ang batch nila at namin tuwing lunch. Babaero man ako dati, hindi ako namamatol ng sobrang bata. Hanggang one year lower lang ang nilalandi ko dahil ang tingin ko sa mga mas bata ng dalawang sa'kin ay para kong mga kapatid nalang. 

"Ah, sila. 'Wag mo nalang pansinin, nagseselos lang sila sayo." 

Summer frowned and tried to remove my arm around her shoulder. "Tanggalin mo na nga kamay mo d'yan. Mamaya kung ano pa isipin nila." 

"Ano naman?" humigpit ang hawak ko sa kanyang balikat. "Wala naman na ring saysay para itago. Malamang kalat na 'yung balita na may girlfriend na ako." 

"What? Saan naman nanggaling 'yan?" kanyang tinanong kasabay ng pagsalubong ng kanyang kilay. 

"Sayo, diba? Sinabi mo kay Mika at Maya nung nakaraang araw na girlfriend kita. Malamang kinalat na nila 'yun," pinaalala ko.

"Ay, oo nga. I forgot that you're a big deal here, Mr. Playboy," she chuckled lightly. "Baka mamaya masira pa reputasyon mo dahil sa'kin. You can always deny it anyway. I won't mind." 

"What? I'm not denying anything. Hindi naman kita kinakahiya, Summer," seryoso kong sambit. "I really don't care what they have to say about me. But if they say anything against you, you'll see me be the first one to claim that I'm yours." 

Uminit ang kanyang pisngi at inalis ang tingin. Mahina akong tumawa at inasar siya sa mapula niyang mukha. Pumasok kami sa loob ng venue at inabot ang ticket namin sa registrar. 

Inimbita ako ni Jill at Marcus na samahan silang pumunta sa Paraiso Music Fest. Nabalitaan kong may live concert ang iba't-ibang OPM artists mamayang gabi, kaya agad kong inaya si Summer. Nilibre ko na rin siya ng ticket dahil mga residente lang ng La Paraiso ang pwedeng bumili nito. Ayos lang naman sa'kin dahil alam kong mag-eenjoy si Summer. Dun palang, sulit na pera ko. 

Binungad kami ng makukulay na ilaw na nanggagaling sa iba't-ibang masasakyan na amusement rides. Maliban sa concert, mayroong mini perya na kasama ang event. Ngayon kasi ang 10th anniversary ng fest, kaya siniguradong magarbo ang pagdiriwang para dito. Maraming tao ang nasa paligid, ang iba ay nakapila at ang iba ay nakaabang na malapit sa entablado. 

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Marcus. Kanina pa raw sila nandito, ngunit sa dami ng tao ay impossibleng mahulaan ko kung nasaan sila. Agad naman siyang sumagot paglipas ng ilang ring. 

"Hoy pangit, nasaan ka na?" I asked, making my voice loud enough to be heard over the music. 

"Malapit sa entrance. Nandito ka na ba?" bago pa ako makasagot, sinigawan na ako sa kabilang linya. "Hoy, ikaw! May dapat kang ipaliwanag sa'kin! Ano 'yung nababalitaan kong may girlfriend ka na? Katapusan na ba ng mundo? Sino nakapagtali sayo, at kailan pa!? Kailan ka pa natutong magtago sa'kin ha-" 

"Tumigil ka sa kakadaldal. Nakita na kita," pinutol ko ang linya ng makita siya. 

Mabuti nalang at matangkad 'tong si Marcus at napadali ang paghahanap ko sa kanya. Lumapit kami sa tapat ng Anchor's Away kung saan sila nakatayo. Magkakasama na si Jill, Marcus at Anika na naghihintay. Kawawa naman 'tong si Niks, third wheel nanaman. Nasaan na ba karamay niyang single? 

Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon