03

57 4 0
                                    

"Only in your dreams and in my worst nightmare, Chase." 

I stood back up to my original height and looked at her face. My lips quirked up when I saw a faint redness playing on her cheeks. I made her blush, how adorable. 

"Looks like I just made you blush." I teased. 

Napahawak siya sa kanyang mga pisngi at inalis ang tingin sa akin. "Mainit lang kasi."

"Thanks." I smiled smugly. "Alam ko namang hot ako, 'di mo kailangan sabihin."

Inis niyang tinapat ang mga hawak niyang tinidor sa mukha ko bilang panakot. "Lalayo ka or sasaksakin kita gamit ng mga tinidor na 'toh?"

I chuckled and stepped away, creating distance between us. "Eto na, eto na. Highblood mo palagi, noh?"

"Your face simply annoys me." She smiled sweetly. I just had to laugh at the sarcasm written all over her face. 

"The feeling is mutual." I smiled lazily and walked pass her. "Pumunta ka na sa pool, mukhang kailangan mo magpalamig."

I heard her mutter incoherent words behind me as I slowly walked towards the pool. Paglabas ko, nakita ko nang naliligo yung iba. Nakasuot na sila ng kanya-kanyang mga pang swimming. Hinubad ko ang pang itaas ko at tumalon sa pool kasama nila. 

Naglalaro kami ng chicken fight sa pool. Si Marcus at Jill ang magkakampi, at ang kalaban nila ay si Anika at Austin. Ako ang tumayong referee nila sa may gitna habang nagtutulakan sila. 

Nahulog sa pool si Anika at tumawa ng malakas si Jill. "Haha! Panalo kami!"

"Ano ba yan, Austin! Nalunod pa ako dahil sayo." hinampas ni Jill si Austin sa braso. 

"Si Marcus kasi, ang daya! Naninipa sa ilalim ng tubig." Austin whined like a child. 

Marcus raised his hands in defense. "Oy wala ah. Malinis akong naglalaro dito." 

"Summer!" tawag bigla ni Jill. "Tara na dito! Sama ka samin." 

Lumingon ako at nakita si Summer na papalapit sa pool. Nakapusod ang kanyang buhok at nakasuot ito ng navy blue na bikini top at athletic cycling shorts. Ngumiti siya at kumaway sa direksyon namin. 

Isang kamay ang tumakip sa mata ko at bigla akong nilublob sa tubig. Naramdaman ko ang pagpasok ng tubig sa bunganga ko kaya't napaubo ako pag-ahon. 

"God bless you!" tumatawang bati ni Marcus. 

I looked at him, bakas ang inis saking mukha. "What was that for?"

"Nagkakasala nanaman yung mga mata mo," asar niya sakin. "Iniwas lang kita sa tukso, kaibigan." 

I splashed water in his direction. He glared at biglang kinuha ang water gun sa gilid. Umahon ako bigla at naghabulan kami paikot ng pool. Aliw na aliw yung iba sa kalokohan namin, kinuhanan pa kami ng video ni Anika. 

Tumambay pa kami saglit sa pool at naglaro ng iba't-ibang games na maisip nila. Nang mapagod, napagdesisyunan namin na umahon at magpatuyo. Tumungo kami ni Marcus at Austin sa may living room para maglaro ng xbox. Yung mga babae naman ay umakyat na para maligo. 

Titig na titig kami sa monitor habang naglalaro ng Mario Kart. Sumimangot ako ng lumabas na 3rd place ako. Inasar ako ng dalawa sa aking pagkatalo. 

"Wala ka naman pala, Chase," Marcus snorted. 

"Swinerte lang kayo. Sadyang pinagbigyan ko lang kayo na matamo ang pagkapanalo," I lied and pouted. 

Tinulak ako paalis ng sofa ni Austin. "Dahil dyan, kumuha ka ng beer!"

Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon