12

33 1 1
                                    

"Boys, umahon na kayo d'yan! Kakain na!"

We glanced over to the shore and saw Jill waving at our direction. Ang mga babae ang naghanda ng hapunan habang kaming mga lalaki ay nagsurfing habang malakas pa ang alon. 

Kumaway pabalik si Marcus. "Papunta na kami, misis ko!" 

"Misis daw." binulong ni Austin sa sarili. "Excited naman 'to masyado. 'Di nga kayo kasal e."

"Hindi 'pa', aking kaibigan. Pero sigurado na ako na magiging misis ko 'yan. Hintay ka lang." kinindatan ito ni Marcus. 

Sinimangutan lang niya ito pabalik. "Kadiri amputa." 

Biglang sumubsob si Austin at nahulog ang kanyang katawan sa tubig. Nauntog pa siya sa kanyang surfboard ng mabitawan niya ito. 'Di namin napigilan ang aming pagtawa sa nangyari. 

"Ayan! Karma ng bitter!" asar ni Marcus.  

Iniwan namin ang aming mga surfboard at tumungo sa cottage namin. Tumingin ako kay Summer at umiwas agad habang nagpapatuyo ng buhok. 

Buong araw na kaming hindi nagpapansinan. Ni maglapit o magtinginan, hindi namin magawa. Para kaming mapapaso kapag nagkakataon na magkalapit kami. Bahala siya, hindi ako magpapatalo sa pagiging makipot. Hindi lang naman babae pwede gumawa nun, pati rin kami!

Natapos na kaming kumain at nilabas na ang mga alak. Mainit ang tingin ko sa mga bote. Kailangan ko atang maglasing para matanggal muna sa utak ko 'yang si Summer. Siya palagi umiikot sa isip ko, nakakapagod din. 

"Ako lang ba, o may nakakaiba sa araw na 'to?" tanong ni Marcus. "Something smells fishy." 

"Malamang malansa, isda ulam kanina." bara ni Anika.

"Hindi kasi literal. May tension." biglang nagtugma ang tingin namin ni Marcus. "May dalawa diyang kanina pa nananahimik." 

"Hindi ako nanahimik." I interjected. 

"Sinabi ko bang ikaw?" 

Sumimangot ako. "Sa 'kin ka nakatingin e!" 

"Porket ikaw tinignan, ikaw agad pinag-uusapan?" He teasingly smiled. "Sabihin mo nalang natamaan ka." 

"Ikaw matatamaan ng bote na 'to kung 'di ka tumahimik," I growled, raising the bottle in my hand to Marcus's head. 

Nagtago naman siya sa likod ni Jill. "Inaaway ako ni Chase, mahal! Depensahan mo 'ko!"

Tumawa lang si Jill at sinabayan ng pag-irap ng kanyang mga mata. "Bahala ka d'yan." 

Habang lumalalim ang gabi, unti-unting nauubos ang mga bote ng alak at pulutan. Lahat na ata ng alak na pwedeng bilhin ay dinala nila. Naramdaman ko na ang pagpintig ng aking ulo kaya't tinigilan ko na ang pag-inom. Knowing Marcus and Austin, they would drink until they couldn't see daylight. I decided to be the responsible friend and bring them back to the room later. 

I winced as I watched Summer pour alcohol into her mouth. She coughed and let out a loud laugh. "God, it freaking burns!" 

"Tama na siguro, Summer. Sobrang pula mo na," Jill said, concern in her voice. 

She drunkenly waved her hand to dismiss her. Her lips suddenly released a hiccup, causing her to giggle. "No, it's fine! Kaya ko pa, hindi ako lasing." 

Naramdaman ko ang bigat ng ulo ni Austin sa aking balikat. He shut his eyes and groaned, complaining about feeling dizzy. I scowled and pushed him to Marcus. 

Biglang tumayo si Summer. "Swimming lang ako!" 

Nanlaki ang mata ni Jill. "Gabi na, Summer. Bukas ka nalang lumangoy-" 

Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon