15

31 1 0
                                    

"Kuya."

I stirred from my sleep at the sound of Chelsea's voice. Tumingin ako sa tabi ko at nakitang mahigpit akong inaakap ni bunso. Napangiti ako at hinawi ang buhok sa kanyang mukha. She looked up at me with tear stained cheeks, catching me by surprise. 

"What's wrong, bunso?" I asked, wiping the tears off her face. "Why are you crying?"

"B-bad dream kuya," sinabi niya at humikbi. 

I sighed deeply and pulled her close. Tinago niya ang kanyang mukha sa aking dibdib at patuloy na umiyak. "It's alright, bunso. Nandito lang si Kuya."

"T-the shouting kuya...a-ang lakas. Natakot ako Kuya. A-akala ko hindi titigil," she sobbed. 

Chelsea had a history of having traumatic nightmares in her sleep. Kahit nung sanggol palang siya, naging problema niya na 'to. Naalala ko pa ang mga gabi na nagigising nalang kami sa mga sigaw niya at hagulgol. We took her to a doctor to have it checked and sooner or later, she overcame her bad dreams. It stopped years ago, pero mukhang bumalik ulit. 

Naramdaman kong tumigil na ang pagyugyog ng kanyang balikat at ang mga hikbi ni Chelsea. Sumilip ako sa kanya at nakitang nakatulog siya sa tabi ko. Hinayaan ko nalang siya dahil ngayon lang siya nakatulog ng maayos. I slowly removed my hold on her to not disturb her sleep, tucking her in before exiting my room. 

Lumabas ako ng kwarto at nagpasyang puntahan si Mom at Dad. Maaga pa naman, kaya siguro hindi pa sila nakakaalis papuntang ospital. Pagtapos ko sa banyo, nagulat ako ng lumabas si Mom mula sa guest room na nakabihis na. 

"Mom," I spoke, stopping in my tracks. 

Gulat siyang napatingin sa 'kin, para bang nahuli ko siyang gumagawa ng masama. "Chase! H-hi anak, good morning." 

I stared at her, confused why she was leaving so early. "Maaga duty mo ngayon, Mom?" 

"Maaga schedule ng rounds ko," she cleared her throat, composing herself. "Bakit ang aga mo nagising ngayon? It's barely seven in the morning." 

"Chelsea had a bad dream again," I explained. 

"Ayos lang ba siya? Did she say how bad it was?" Mom asked, a worried expression on her face. "Kailan pa nagsimula? Dadalhin na ba natin siya sa doctor niya?" 

"Ngayon lang naman ulit, Mom. Baka nagkataon lang. Kung umulit, saka niyo na po dalhin para magpacheck-up."

I was waiting for her to explain why she came out of the guest room, but she didn't say a word about it. Hindi ko nalang siya tinanong tungkol doon at pinalagpas nalang. Baka may kinuha lang siya sa loob. 

"Anyways, I have to go," she hurriedly kissed my cheek goodbye. "Una na ako. Pagpakabait, okay?" 

I watched her walk down the stairs, going out the door moments after. Hindi muna ako bumaba at pumunta ako sa kwarto nila ni Dad. Pagsilip ko sa loob, walang laman ito. Maaga rin ba duty ni Dad? Umuwi naman sila parehas kagabi. Lalo lang ako nagtaka dahil hindi naman nagkakasabay ang rounds niya kay Mom. 

Wala na rin ang mga kotse nila sa labas. Binati ako ng mga kasama namin at ningitian ko lang sila pabalik. Lumapit ako kay Manang na naghahanda ng almusal sa lamesa.

"Manang, naabutan mo ba si Dad na paalis kanina? Wala na kasi siya sa kwarto nila," tinanong ko siya. 

"Naku, hindi po Sir Chase. Paggising po namin ay wala na po kotse ni Sir Jhon. Mukhang madaling araw pa po umalis. Sabihan ko ba si Nestor na tignan ang CCTV?"

I shook my head and gave her a small smile. "Hindi na po, Manang. Salamat." 

Madaming tanong ang umiikot sa isip ko ngayon. Bihira lang umalis si Mom at Dad na hindi magkasama. Palagi silang sabay umaalis ng bahay, hinahatid ang unang may duty at saka uuwi ang isa. Napapadalas na hiwalay silang pumapasok. It was unusual, but I was sure that there was a reasonable explanation behind what was happening. Siguro may emergency operation lang si Dad kaya maaga siyang umalis, at siguro totoo ang sinabi ni Mom na maaga rounds niya. I didn't want to assume the worst just yet. 

Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon