07

47 1 1
                                    


I never was, and never will be, a morning person.

I tried to force a smile when I saw Chelsea waving goodbye before entering her friend's house. Once she was escorted inside, my lips fell and let out a sigh. I was forced to drive her to her play date since neither my mom or dad came home last night. 

Napapadalas na ang night shift nilang dalawa dahil sa kakulangan ng mga doctor sa pinagtatrabahuan nilang ospital. Dahil doon, nababawasan na ang oras nila kasama namin magkapatid. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila. 'Yun nga lang, kailangan ko rin gumawa ng mga magsakripisyo bilang panganay. 

That's why I'm out and awake at 7:30 in the morning.

Hanggang hapon pa si bunso doon, kaya mamaya ko pa siya masusundo. Nagpasya akong ayain lumabas si Marcus at Austin. Nagbaka-sakali ako na pumayag sila, kaya tinawagan ko sila. 

"Samahan niyo ako gumala." bungad ko pagkasagot nila ng tawag. 

Marcus yawned into the phone, halatang bagong gising pa lang. "Bakit ang aga mo mag-aya?"

"Bili na, damayan niyo ako." I pleaded desperately. 

"Pass ako." sagot ni Austin. "May pupuntahan ako mamaya."

I sighed in disappointment. "Sayang naman. Ikaw nalang Marcus."

"Pass din muna, pre." Marcus turned down. "Bebe time mamaya eh, sorry."

"Ano ba yan! Akala ko ba tropa bago jowa?" reklamo ko. "Ganyan na pala kayo sakin. Kapag ako inaaya niyo, lagi akong libre! Tapos kapag ako yung nag-aya, busy? Lugi ako ah!"

Tumawa si Marcus. "Wala ka kasi jowa. 'Di ka makarelate."

"Ah sige. Salamat sa paalala." I rolled my eyes at the insult.  

"Ayain mo nalang mga pending chicks mo ng date." Austin suggested. 

"Ayoko nga! Wala na ako pera!" tanggi ko. "Tsaka wala ako sa mood."

Marcus playfully gasped at faked his shock. "Wala sa mood para sa babae si Chase? Tama ba narinig ko?"

"What a miracle." nakisama sa pang-aasar si Austin. 

I frowned deeply at their amusement. Hindi na nga ako sasamahan, pinagtripan pa ako. "Bahala kayo. Salamat nalang sa lahat."

Pinatayan ko sila ng tawag at napapikit. Hindi ko naman maaya si Jill dahil syempre, kasama niya na si Marcus. Si Anika naman ay paniguradong may gagawin. Hindi ata nauubusan ng lakad yung babaeng yun. 

Mukhang solo flight ako ngayon. That was okay I guess, I'll probably figure out something to do. I decided to go to the nearest coffee shop to get a drink. Ayoko na uli matulog sa bahay, I hated being unproductive. Sayang yung araw. 

Nakarating ako sa coffee shop at lumapit sa counter. I decided to order a large Caffe Mocha and waited for my order on the side. My foot impatiently tapped on the wooden floor while waiting. Madaming customers pa ang naghihintay sa tabi ko, kaya alam ko matatagalan pa bago ko makuha ang order ko. 

"One regular coffee please, take-out." a familiar voice spoke. 

My eyes glanced to where the voice came from. To my surprise, I saw Summer at the counter. Nakasuot siya ng simpleng black leggings, puting crop top at sandals. Her hair was in a ponytail, but there were a few strands of hair falling to her face. 

Nakatingin siya sa kanyang cellphone habang naglalakad papuntang claiming area. Hindi niya pa ako napapansin, kaya't nagdesisyon akong gulatin siya. I slowly walked up behind her as she tapped away on her phone, still clueless. 

Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon