09

31 1 1
                                    


"Oh my gosh, do you like her?!"

I glared at Anika, who sat in shotgun, looking at me with wide eyes. Bigla ko pinagsisihan na sinabay ko siya papunta sa bonfire ngayong gabi.

Nagpumilit kasi ang mayora na wala siya masasabayan, kaya nagpasundo siya sa 'kin ng biglaan. Nung una, hindi pa ako naniwala na wala siya mapagsasabayan dahil napakarami niyang kaibigan. Pero dahil mabait ako, sinundo ko na. Dinahilan niya lang pala 'yun para chikahin ako. Apparently, a friend of hers saw me and Summer together a few days ago and reported it to her. Ayan, na-hot seat ako ng wala sa oras.

Ginawa niya pa akong driver, gusto niya lang pala maki-tsismis. Mautak talaga 'tong chismosa na 'to.

I frowned at the question. Kinumpirma ko lang na magkasama kami ni Summer, gusto ko na siya agad? Hindi ko naintindihan logic niya. "Of course not."

"Eh ba't kayo nagdate ni Summer kung hindi mo siya gusto?" tanong niya. "Tsaka pinatulan ka ni Summer? Talaga? Ikaw?"

"What's that supposed to mean? Bakit naman hindi niya ako papatulan?" napatingin ako sa kanya ng saglit bago ipabalik ang mata ko paharap. Dami niyang tanong. "It wasn't a date. Don't get it twisted."

"Hindi daw date, maniwala ako." She scoffed, crossing her arms around her chest.

"Edi huwag ka maniwala. Kawalan ko ba 'yun?" Bahala siya isipin ang gusto niya. I didn't have to explain myself to her anyways.

"Isang babae, isang lalaki, magkasama na lumibot buong araw na sila lang. Hindi ba date tawag dun?"

I couldn't help but laugh. This conversation was so stupid. "Bawal ba lumabas ang babae at lalaki bilang magkaibigan? Ba't tayong dalawa, gumagala naman tayo na tayo lang ang magkasama. Ganun din kay Jill."

"Iba naman kasi 'yun. Magkakaibigan tayo eh." pilit niyang nirason.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Magkaibigan naman din kami ni Summer. Wala naman pinagkaiba trato ko sa inyo at sa kanya."

She let a huff of disappointment, annoyed that she couldn't get anything out of me. Wala siya ma-eexpose sa akin dahil wala naman dapat i-expose. It was a purely platonic. Siya lang naman naglalagay ng malisya dun.

"There's no point to this conversation, Niks. Let it go." I chuckled. She still looked unconvinced. "Saan nanggagaling mga balita na yan, showbiz balita? Puro lang naman tsismis nakukuha mo, hindi pa totoo."

"Whatever, you can't lie to me." Anika frowned. "Halata naman na gusto mo siya."

I couldn't help but roll my eyes at the accusation. "Kulit mo. Hindi nga eh."

"I'm not fucking blind, Javier." She chuckled, giving me a teasing smile. "I've known you for 7 years. Alam na alam ko ang type mo, and Summer ticks all of the boxes."

"Ba't pa ba natin pinag-uusapan 'to?" I groaned as I turned off the engine. "Nandito na tayo. Lumayas ka."

She pursed her lips before letting out a sigh. "Sinasabi ko na Chase, don't break her heart. Kaibigan natin siya, she doesn't deserve that."

It might turn out the other way around. I thought grimly to myself.

Lumabas siya ng kotse at sinara ang pinto. Kinuha ko ang susi ko mula sa ignition bago bumaba para sundan siya. Naglakad na kami papunta sa beach kung saan marami mga tao ang nagtipon-tipon dito.

The bonfire was a celebration that  students of La Paraiso attended every year. Students from different schools were invited to celebrate the end of the school. It was a well-known tradition of our town, and this would mark as our 4th and last bonfire.

Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon