"Ba't ka nakasimangot?"
I blinked twice before turning to Austin. He looked at me with a quizzical expression on his face, wondering why I was zoning out.
"Hindi pa ba obvious? Ganyan ang itsura ng taong problemado sa love life," sinagot siya ni Marcus ng nakangisi.
Inaya kami ni Austin sa bahay nila para maglaro ng bilyar. Matapos ang dalawang laro, tinamad na ako kaya hinayaan ko nalang sila ni Marcus kalabanin ang isa't-isa. Nakaupo lang ako sa bean bag habang pinapanood sila.
Napa-irap ako sa sinabi niya. "Nananahimik lang ako dito. 'Wag mo ako bwisitin."
"Sino ba 'yang iniisip mo? Girlfriend mo?" tinanong niya at sabay tinakpan ang bibig. "Ay, wala nga pala kayong label. Sorry, akin!"
I scowled at him and diverted my attention to the screen. Pinanood ko nalang ang laro ng NBA sa harap para mawala ang inis ko. Bigla akong nagsisi na nagpapilit ako sa kanilang dalawa na aminin kung ano meron sa'min ni Summer. Hindi na sila tumigil na asarin ako tungkol sa kanya.
Lalo ko lang tuloy siya naiisip ngayon. Tatlong araw na kasi ang lumipas mula nung huli kami nagkita. Naging busy siya sa kapatid niya ng mga nakaraang araw kaya't 'di kami nakakalabas. Ayos lang din naman sa'kin kasi kailangan ko rin ng panahon para mag-isip. I can't help but feel doubt towards her now. Ever since the last time we spoke, there were so many things that I began to question about her, about us.
Why didn't she want to continue this? Why didn't she want to ever come back to La Paraiso? Why did she want to cut me off? Why did she want to forget everything once she leaves?
Sino ka ba talaga, Summer?
"Oo nga pala, hindi nga pala tayo," nagsimulang kumanta si Marcus. "Hanggang dito nalang ako, nangangarap na mapa-sayo."
Mahinang tumawa si Austin habang inaayos mga bola sa rack. Tinignan ko si Marcus ng masama. Ako ba pinapatamaan niya?
"Nahihilo, nalilito," tinuloy niya gamit ang mapang-asar na tono. "Asan ba 'ko sayo? Aasa ba 'ko sayooo."
Hindi ko na napigilan ang sariling batuhin siya ng maliit na unan sa tabi ko. Agad naman siyang umilag at tinawanan ang reaksyon ko. "Tigilan mo na nga 'yan. Pangit ng boses mo," lait ko.
"Oops, natamaan!" malakas siyang tumawa. "Bakit? Nakaka-relate ka ba, Javier? Sakit ma-reject 'no? Hahaha!"
"Tangina ka," I glared at him, then at Austin who was wearing a smirk on his face. "'Wag kang tumawa-tawa d'yan, Austin. Hindi rin naman successful love life mo."
His eyebrows shot up in amusement. "Paano mo naman nasabing 'di successful?"
"Torpe ka kasi," his grin immediately turned into a scowl. It was my turn to look amused. "O ano, hindi ba totoo?"
"Ayan nanaman kayo, nagkakapikunan nanaman," Marcus butted in with a sly grin on his face. "Hay nako, ang complicated naman ng mga buhay pag-ibig niyo. Pati ako nasestress sa inyong dalawa!"
"Yabang mo. Porket may jowa ka lang e," Austin rolled his eyes.
"And you can't relate," Marcus playfully stuck his tongue out at the both of us. "Stay hating, my single friends."
Palibhasa kasi, si Marcus ang pinakamatagumpay sa larangan ng pag-ibig sa'ming tatlo kaya ang hilig niya kaming asarin. He was very lucky to have Jill as his girlfriend, and he was proud to be hers. Dahil sa kanila, bigla akong napaniwala sa konsepto ng soulmates. Talagang tinadhana sila para sa isa't-isa. Hindi ako magtataka kung mauuwi sa simbahan ang relasyon nilang dalawa dahil sa tindi ng pagmamahalan nila. The thought of them breaking up just seemed impossible.
BINABASA MO ANG
Before The Last Sunset [Before Trilogy #1]
Teen FictionChase and Summer hated commitment, so they agreed on three things: no labels, no attachments, and most especially, no falling in love. All they wanted was to make the most of their summer vacation. Fun didn't require any strings attached anyway. Wh...