I

691 25 17
                                    

Overthink. Gabi-gabi naman. Laging ganon. Nakakapagod. Nakakasawa. Nakakalungkot.

Marami na akong nakilala sa apatnapu't limang taon kong nabubuhay at humihinga sa mundo.

Naranasan ko nang mahalin, magmahal, lumungkot, sumaya, at masaktan.

Kung may isang bagay man akong natutunan, yun ay hindi lahat ng mamahalin mo, mananatili sa'yo habangbuhay.

Hindi naman dahil nagmamahal ka, masaya ka na kaagad. Kung puro saya lang habol mo sa pagmamahal, hindi pagmamahal 'yon.

Di habangbuhay, puro saya. Nakakaumay din naman maging masaya, pero deep inside yun ang gusto natin bago tayo mawala.

Marami akong pera, pero iba pa rin yung sayang mararamdaman mo pag may nagmamahal sa'yo.

Masarap magkaroon ng karangyaan sa buhay, pero mas masarap magkaroon ng kasama, kaagapay, at kasama hanggang sa huling hininga mo.

Dalawang beses ko pa lang naranasang magmahal ng totoo. Dalawang beses rin akong umiyak. Dalawang ulit rin akong natulala, tumingin sa malayo, at tanungin ang sarili ko kung ano bang mali sa'kin.

Lahat ng 'yon, dahil sa dalawang taong nagngangalang Callista at Eula.

Alas kwatro na ng umaga, mulat pa rin ako.

"Tangina, Eula."

Isang tangina lang talaga ang nasasabi ko tuwing madaling araw at naiisip ko siya.

Siya may kagagawan nito eh. Siya lahat.

Tama bang umalis ka na lang ng walang pasabi?

Tama bang iwan mo yung tao na maraming tanong sa isip nya?

Tama bang iwan mo yung tao nang wala kang sapat na rason at dahilan?

Malamang, hindi.

Limang oras na lang. Swivel chair, lamesa, monitor, at iba't ibang tao na naman ang makakaharap ko.

Wala na rin naman na akong itutulog, lumabas muna ako para makalanghap ng moring fresh air.

Magkakape na muna ako. Kung hindi naman kape, alak ang iniinom ko.

Kape, at cellphone ang kaharap ko ngayon. Lagi naman. Sanay na ko.

Nakatanggap ako ng text message mula kay Raf

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatanggap ako ng text message mula kay Raf. Mukhang alam ko na kung ano ang importante nyang sasabihin.

Tinext ko naman si Jennie kaagad.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon