XIII

203 16 38
                                    

Eula's POV

"Eula, pramis napakamaldita nung Louise! Nakakainit sya ng ulo, sino sya para tuksuhin ako sa pangalan ko? Close ba kami? Ano? Sagot!" sigaw ni Ina sa'kin.

"Kung di ka ba naman engot, bakit kailangan mo sabihin pangalan mo sakanya ng buo teh? Teacher mo ba 'yon?" Tanong ko sakanya.

"Nako, kung di mo lang talaga ako inawat baka nahablot ko na buhok non kanina."

"Wag ganon, Mars. Remember, 'di natin teritoryo yun, saka huy mahiya ka kay Albert." paalala ko sakanya.

"Isa pa 'yon, nakiki Anghelita. Buti na lang mabait sya sa'yo, saka guapo. Ahihi." tawa nya sabay kurot sa tagiliran ko.

"Shuta, aagawan mo pa ako?" biro ko sakanya.

"Hindot, kamukha mo lang si Callista pero ikaw pa rin si Eula. Si Eula ka, magkaibang magkaiba kayo ng jowa nya haller? Gising huy!"

Wala naman sa plano kong mahulog at mahalin si Albert, lahat yun ginagawa ko lang kasi may kapalit at kailangan ko para sa Therapy ni Tito Noli.

"Alam ko. Nagbibiro lang ako, tanga."

"Mabuti na yun 'no. Alam mo naman, babasagin ang puso nating mga vavaing merengel. Saka teh, tama na yung pagkabroken mo sa ex mo 3 years ago ha. Move on na, Papi Albert is waiting chaaaar!"

Tignan mo to, ang gulo. Sabi nya kanina gumising daw ako na kamukha ko lang si Callista, tapos ngayon may pa 'Papi Albert is waiting' siya.

"Onga pala Mars, sukat mo nga yung mga binigay sa'yo ni Louisiana kanina dali!"

Oo nga pala, kailangan ko pumunta bukas kay Louise ng suot ang isa sa mga binigay nyang damit, sapatos, bag, at mga alahas. Shuta naman!

"Ina, tulungan mo naman ako oh. Pagdating kasi sa mga ganyan, mas may alam ka sa'kin eh."

"Obvious naman eh HAHAHAHAHAHA. Hala, diba susunduin ka bukas dito? Shuta, magbubulungan na naman mga chismosa habang kinukutuhan mga junakis nila sa labas. Baka sabihin may asukal na tatay ka!"

Huh? ano yon? "Asukal na tatay?" tanong ko.

"Sugar Daddy. Nubayan tinagalog ko lang." sabay irap sa'kin.

Aba malay ko bang tinagalog lang nya yun? Hmp.

"Nako, kebs sa sasabihin nila sa'kin. Pag pinakinggan ko mga sinasabi nila sa'kin, mapapakain ba nila ako? Kada ba may lalabas na salita mula sa bibig nila, may perang lalabas para sa pabg therapy ni Tito Noli? Diba wala naman? Kaya wala akong dapat ikatakot 'no, hindi ko naman binebenta katawan ko haller?"
paliwanag ko sakanya.

"Daming kuda, teh. Sige na, magsukat ka na tas ihanda mo na. diba bawal late sa pamilya nila?"

"Oo mars, Time is Gold motto nila palibhasa dami nilang ginto shuta."

---

Kinabukasan.

Hinihintay ko ang signal ni Albert na nandyan na ang susundo sa'kin na sasakyan.

What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon