XVII

151 15 27
                                    

Albert's POV

Desidido na ako. Pupuntahan ko na sya. Aminado naman akong kinakabahan ako, Pero di ko maintindihan kung bakit.

Alam mo yung hindi mo alam kung paano mo haharapin yung isang taong maraming iniwang tanong sa utak mo?

Alam ko sa sarili kong may mali ako, pero hindi ko alam kung ano yun. Basta ang alam ko, may dahilan kung bakit nya ako nilisan.

Hindi ko alam kung anong meron si Eula eh, It seems like I can't live without listening to her silvery voice, her giggles, her smiles, and everything about her that makes me love her even more.

Kamukha lang sya ni Callista.

Mahal mo na talaga sya.

Hindi ko alam pero may kung anong nagsasabi nyan sa'kin.

Minsan, hindi ko na lang din talaga alam. Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong maramdaman.

————

I started my engine para pumunta sa address na ibinigay nung investigator sa'kin.

After 30 minutes, I've reached the place.

Umupo ako sa pwestong madilim at hindi ako masyadong makikita. Sakto namang pagpasok ko ay kumakanta si Ina.

"I wont let it go
I wont ket it slipped away
Nothin else matters
Theres bitter life
I ever wish I have

Driving in my car tonight
Pictures Flashing through my mind
Be home at 7 hours
and all well dee is all these
lights"

Hindi ako pamilyar sa kinakanta nya, pero maganda. Hinahanap ng mata ko si Eula, My eyes spotted her sa sulok.

Umiinom.

I honestly don't know how to approach her. Alam mo yung feeling na hindi mo alam kung anong nagawa mo sakanya pero nagui-guilty ka?

Pero, kaya nga ako nandito para humingi ng sagot.

At syempre, para bumalik sya.

Nilakasan ko na ang loob ko at tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit papalapit kay Eula.

Pagkakita nya sa'kin bigla na lang syan napatanong "Anong ginagawa mo dito?"

"Nandito ako, para sunduin ka." sagot ko.

"Bakit? Kelan pa kita naging tatay?"

Yung sagot nya sa'kin, halatang iritado. Siguro dahil sa nakainom na rin sya, kaya ganun sya sumagot.

At isa pa, namumula na sya.

"Kailangan nating magusap."

Walang ano-ano'y, hinila ko ang kamay nya at dinala sya sa labas.

"Albert, ano ba bitawan mo nga ako!" piglas nya.

"Eula, mag uusap lang tayo."

"What do you want to talk about, Mr. Martineeeez? *hik*" Hindi ko alam kung matatawa ako sakanya eh, pero syempre kailangang magseryoso.

"Yung kung anong meron tayo." I answered.

"Ah! Hahahahaha! Woooooooow ang lelem me nemen paleh Mr. Martineeeeez hahaha!" saad nya habang pumapalakpak palakpak pa.

What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon