XII

205 17 31
                                    

Eula's POV

Nagising ako sa ingay ng bunganga ni Ina. Wala namang bago, minsan na nga lang magpunta ito dito mambubulabog pa ng tulog. Pambihira naman oh!

"Eula, Eula! Gising, Mars!"

"Nubayon? Natutulog yung tao, Katarina Anghelita. Aga aga mo mambulabog, realtalk lang teh."

"Sorry na! Eh kasi nga yung kinukwento kong negosyo, Mars! Yung pagtitinda ko ng damit? Gusto mo ba kumuha ng mga paninda, damit, o kahit ano Mars itinda mo rin! Pandagdag rin sa Therapy kineme ni Tito Noli yon."

Bumangon ako sa higaan ko nang marinig ko ang sinabi at ideya nya. Tama sya, kung ano mang raket 'yon papatusin ko para kumita.

"Ano ba mga tinitinda mo, Ina?"

"Mga Nike, Zara, Hermes, Madami pa yon. Meron pa nga yung ano gusi? Gutsi? Gutchi? Ah basta, hindi ko alam kung anong bigkas don pero may mga ganon ako!"

"Mga branded pala yun. Eh pano ko pa mabebenta yun kung puhunan pa lang mahal na? Aba, kailangan ko ring tumubo ano."

"Gaga ka ba? Tingin mo bibili ako ng mga brand new non? Syempre lahat yun sa mga bodega at bagsakan ko kinuha kaya mura ko lang nabili, at maibebenta. Ano, Gora ka ba?"

Papayag na sana ako ng biglang may tumawag sa akin. Sino pa nga ba, edi yung boss.

"Asan ka?" bungad nya kaagad sa akin.

"Akala ko ba, Hello ang intro? Charot. Andito, sa bahay. Bakit? Miss mo na ko agad?"

"Whatever, Eula. Free daw si Louise today, She's ready na to teach you kung paano maging si Calli."

"Huy, sumama ka naman doon pag tinuruan nya ako. Nakakahiya, hindi ko naman kakilala yung Louise na 'yun eh. Mamaya, mas masungit pa 'yun sa nanay ni Callista. Ayoko, sumama ka ha?" pamimilit ko sakanya.

"Gusto mo lang ako kasama, Eula. Joke! Marami pa akong kailangang tapusin eh."

"Napakaarte mo! Maraming tatapusin maraming tatapusin ka dyan, baka ako ang tumapos sa'yo pag di ka sumama?" pagbabanta ko sakanya habang nakatingin si Ina sakin at natatawa.

"K, fine. Iwan ko na lang to sa secretary ko lahat."

"Huy, anong itsura nung Louise? Kinakabahan ako, baka terror yun, shuta."

"Try to google her name, Uhm if I'm not mistaken Louise Arguelles ang screen name nya eh."

"HA SCREEN NAME? HUY SIKAT YON? AYOKO NA SHIYET. ISASAMA KO NA LANG YUNG PINSAN KO, OKAY LANG BA? KINAKABAHAN AKO."

"Hahahaha, kumalma ka. Okay, isama mo yung pinsan mo. Sige na, see you later." sabay patay ni Albert sa tawag.

"Sino yon, Eula?" tanong ni Ina sa akin.

"Si Albert."

"Albert ano? Einstein?"

"Gaga, Martinez."

"Anak ng shutanginang pating???? Si Albert Martinez????? Huy shuta ka, ang yaman nun bat kausap mo?"

What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon