VII

169 15 7
                                    

Albert's POV

"Maryosep, Albert. Kinabahan ako ng sobra sa Mama ni Callista. Parang kala mo Terror na Teacher yung kasama natin mag hapunan kanina." reklamo ni Eula sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero alam kong hindi natuwa si Tita Rosie sa naencounter nya kanina.

"Ano? hindi ka man lang ba magrereact? kinakabahan ako habang kumakain, saka paano naging paborito ni Callista yung spaghetti na walang sauce na may dahon dahon eh wala namang lasa yon? Jusko naman, Albert di ako sanay sa ganon."

"...Tapos eto, etong sapatos pa. Para akong robot maglakad kanina dahil dito. Hindi rin ako makahinga sa damit na suot suot ko sa sobrang fit sa aki-"

"Buti alam mong mukha kang robot maglakad kanina? Saka, bakit ka nasisikipan sa suot mo? eh tama lang naman yung sukat sa'yo?" Totoo yun, tama lang ang sukat sakanya. Makikita mo nga kung gaano kaganda ang katawan nya sa suot nya, di ko maintindihan kung bakit hindi nya nagugustuhan yung itsura nya eh ang ganda ganda naman nya.

"Ah, so inamin mo rin na parang robot ako maglakad?"

"Ikaw naman nagsabi nung una eh, I just agreed."

"EH BAKIT KA UM-AGREE? HINDI MO BA ALAM NA MASAKIT SA DAMDAMIN PAG NILALAIT MO SARILI MO TAS A-AGREE PA YUNG TAO SA'YO?"

Por diyos por santo. Bakit ganito ang mga babae? Pag um-agree ka, masasaktan sila. Pag hindi ka naman um-agree sa sinasabi nila sasabihin nagsisinungaling ka. Napaka komplikado.

"Uwi na nga ako, mag pa-paa na lang ako. Sakit sa binti."

"Ihahatid na kita."

"Di na 'no. Baka mabadtrip lang ako sa'yo hanggang pag uwi."

"Ihahatid na kita."

"Hindi na nga. napakakulit mong nilalang sa totoong buhay, Albert. Lamoyon?"

"sakay."

"sabing wag na ng-"

Nahinto ang sinasabi niya ng binuhat ko sya papasok ng kotse.

"ALBERT!!!!"

Sinaran ko na ang pinto ng sasakyan at inistart ko na.

"Anong oras na ba?" tanong ko sakanya.

"Mayaman kang tao, wala kang pambili ng relo?" pagsusungit nya sa'kin.

Pasalamat talaga sya at kamukha nya si Callista, kung hindi baka ibaba ko na 'to sa lugar na di sya pamilyado.

"Alas otso kinse." sagot nya sabay irap sa'kin.

"Sasagutin mo rin pala ako, susungitan mo pa ako."

"Excuse me? Di ka nga nanliligaw, paano kita sasagutin?"

Huh. Sinasabi nito?

"Ibig kong sabihin, tinatanong kita kasi kanina kung anong oras na."

"Ah, y-yun ba. Linawin mo kasi! Kaimbyerna ka malala."

Pinipigilan ko ang tawa ko habang nagmamaneho. Ang cute cute nya kasi magsungit tapos biglang mauutal, ha. Stop it, Albert.

"Ilang taon na ba kayo ni Callista mo?" pagbasag nya sa katahimikan.

"Isa."

"Tangina, Isang taon pa lang kayo magpapakasal na kayo?"

"Isa, isang dekada. Patapusin mo muna kasi ako."

"Ha? Natagalan ka ni Callista ng sampung taon? Wow. Idle ko na si Callista."

Ha? Idle? Tamad na nya si Callista? Ano daw? Hirap kausap.

"Idle?"

"Jusko naman, lakas mo maka Tito. Idle, Idol na pinasosyal kasi. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Tito Albert 'wag ka namang ganyan."

"Aba malay ko ba sa slangs mo, kailangan kita ulit bukas."

"Kailangan mo ako?"

"Oo, bukas baka i-train ka na ni Louise."

"Sino yun?"

"Bestfriend ni Callista. Siya magtuturo sa'yo kung paano maging si Callista."

"Hmm, okay."

"...Uy, dito na lang sa kanto. Ako na bahala. Uwi ka na."

Masyadong matao 'tong lugar nila. Maraming nag iinuman, bilang lalaki ayoko naman sya hayaang maglakad mag isa. Gabi na, at baka mabastos pa sya.

"Hindi, hatid na kita hanggang sainyo. Mahirap na."

"Hindi, Albert. Kaya ko naman, sige na umuwi ka na."

"Wala namang nag hihintay sa'kin sa bahay eh, di naman kailangang magmadali. Sige na, hahatid kita."

"apakakulit talaga. Oh, tara na."

"Uhm, one last thing. Suot mo 'to." Hinubad ko ang coat ko at binigay sakanya. Sleeveless ang suot nya, baka ginawin sya eh.

"Ah. S-sige."

Bumaba kami ng sasakyan at naglakad papunta sa bahay nila.

Nakarating kami sa bahay nila, bubuksan pa lang sana nya ang pinto ng biglang lumabas ang babaeng nasa 60's siguro.

"Himala, Eula! Ang aga mo umuwi ngayon ah?" sabay mano ni Eula sakanya.

"Wala naman akong raket ngayon, Tiyang."

"Oh. Sino 'to? Nobyo mo? Halika tuloy!"

"Tiyang, hindi ko nobyo yan. Si Albert, kaibigan ko."

"Ah ganun ba, sige pasok na kayo."

"Tiyang, hinatid lang ako nyan. Di naman magtatagal yan."

"Ang maldita mo sa mga bisita, Albert tuloy ka. Pasensya ka na, maliit lang ang bahay namin ha?"

Pumasok ako sa bahay nila, hindi ganoon kalaki. Hindi rin naman ganon kaliit.

"Teka nga, Eula. May iba sa'yo ngayon. Himala, naka bestida at naka takong ka? Saka, ang ganda mo ngayon? Anong sikreto mo?"

"Tubig at dasal lang, tiyang. Charot."

Ayan na naman sya sa Charot nya. Jusko.

Habang naghahain ang tiyahin ni Eula, pinaupo naman nya ako sa silya.

"Kain ka, Albert ha. Tapos, sabihin mo sa'kin kung masarap ba."

Kahit kakakain ko lang, kakain na lang din ako. Hindi ko alam, kakakain ko lang pero hindi ako nabusog, ganoon siguro pag hindi mo ka-vibe ang mga kasama mo kumain.

Nilapag nya ang Sinigang at Adobo kasama ang kanin, Malamang.

"anong buong pangalan mo, Albert? Saka, saan kayo nagkakilala ni Eula?"

"Albert Martinez ho, Ma'am. Nagkakilala kami doon sa bar kung saan kumakanta si Eula. Nakipagkaibigan ako, tapos inaya ko ho lumabas ngayon."

Tinignan ako ni Eula habang pinandidilatan ng mata. Yung mga tinginang baka-kung-ano-isipin-look sa akin.

"Martinez? Kaano ano mo si Fabian M-Martinez?" Hindi ko alam kung bakit sya nauutal habang binabanggit ang pangalan ni Dad.

"Ah, tatay ko ho."

Natulala sya sa akin at napatigil sya sa pagsasandok ng kanin sa plato ni Eula.

"Tiyang Marcia, may problema ba?"

"Ah. W-Wala. Kilala ko lang sya. Sige, kain na."


What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon