XV

160 15 14
                                    

Eula's POV

Bumitaw ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya, agad akong tumakbo papuntang restroom dahil kailangan kong ilabas kung ano ang nasa sa loob ko. Hindi ko pa rin sya kayang tignan, hindi ko pa kayang humarap sakanya.

Nakaharap ako sa isang malaking salamin, tinititignan ko lang ang reflection ko. Tumutulo na lang ang luha ko mula sa mga mata ko dahil sa mga tumatakbo sa isip ko.

"Eula..." tawag sa akin ni Ina pagpasok nya sa restroom.

Pinahid ko naman ang mga luha ko at humarap sakanya. Kahit anong gawin kong pigil sa luha ko, hindi ko talaga mapipigilan lalo na kung si Ina ang kaharap ko. Si Ina ang nakakaalam nang lahat ng nararamdaman ko.

Human Diary, kumbaga.

"Eula, ano yung kanina? A-Akala ko ba nagpapanggap lang kayo? Bakit may ganon? Magpaliwanag ka nga sa'kin."

Sa dami ng tanong nya sa'kin, wala man lang akong nasagot ni isa. Imbes na sagutin ko sya, lumabas lang ang mga luha na kanina ko pa nilalabanan at pinipigilang kumawala.

"H-hindi ko na rin alam, Ina." sagot ko sakanya.

"Paanong hindi mo alam? Anong hindi mo alam? Eula, gumising ka! Nagpapanggap lang kayo, bakit ka nahulog? Bakit ka bumibigay? Ano? Nawala lahat ng tapang mo porket pinagluto tayo ng hipon nung nakaraan? Nawala lahat nang sinabi mo sa'kin, nagtakong at nagsuot ka lang ng magagarang damit? Eula naman! Sabi mo sa'kin, lahat para kay Tito Noli. Lahat ng ginagawa mo para makatulong ka kay Tiyang Marcia, bakit kailangan mong mahulog sa taong alam mong bibitawan ka rin pag natapos ka na nyang gamitin? Bakit kailangan mong magmahal ng taong hindi ka naman sigurado, kung sigurado sa'yo? Eula!!!"

"Hindi ko na kaya." asik ko.

"Paanong hindi mo kaya? Eula! Kahit anong gawin mo, hinding hindi ka magiging si Callista! Kahit mahalin mo pa sya buong buhay mo, hinding hindi ka magiging si Callista! Darating at darating ang araw na mawawala ka na sakanya, dahil sa huli hindi pa rin ikaw yung babaeng pinangarap nyang pakasalan! Eula, hindi ikaw si Callista. Nagpapanggap ka lang! Ang pagpapanggap, pagkukunwari. Hindi kailangang ma-involve ng feelings mo! Nandito ka, kasi may usapan kayo. Hindi ka nandito dahil sa gusto mo syang mahalin. Patayin mo yang nararamdaman mo para sakanya, kung may respeto ka pa kay Callista! Kung ayaw mo akong mawala sa'yo, pigilan mo nararamdaman mo kay Albert at baka pagsisihan mo, excuse me." asik nya nang iwan nya ako sa loob ng Ladies' Restroom.

Lumabas ako ng restroom para hanapin si Ina. Kailangan na naming umuwi.

Pagkalabas ko ng restroom, hindi ko inaasahang makita si Albert na bubungad sa'kin.

"Eula–"

"Uuwi na ako. Magpapaalam muna ako kay Madam Rosie."

At saka nilagpasan sya at hinanap muli si Ina. Gaya nga ng sabi ko, ayoko pa syang harapin, makita, at tignan.

Nakita ng mata ko si Ina at nilapitan sya.

"Anghelita"

Nilingon nya ako habang nakataas ang isang kilay nya at hinalukipkip ang braso nya.

"Ano?" matamlay nyang tanong sa'kin. Hindi ako sanay nang natamlay sya sumagot sa'kin, dahil bihira naman kami mag-away ni Ina. At kung may pag aawayan man kami, siguro hindi masyadong personal.

What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon