Marcia's POV
"Ah. Tatay ko ho." matagal na panahon na pero... Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ko ang lalaking nagngangalang Fabian Martinez.
"Tiyang Marcia, May problema ba?" tanong ni Eula sa akin. Hindi ko maaaring ikuwento sakanya ito ngayon. Hindi pa dapat, hindi pa ako handa, at hindi pa tama ang panahon para malaman nya ang naging buhay ko noon.
"Ah. W-Wala. Kilala ko lang siya. Sige, kain na."
Pinagmasdan ko silang dalawa habang kumain. Hindi ko alam pero, may pagkakahawig talaga si Albert sa Ama nya. Malamang ama nya yon.
"Albert, anong trabaho mo?"
"Ah, CEO po ako sa kumpanya namin."
"Laki ng opisina nyan, Tiyang. Malaki pa yata dito sa Sala natin HAHAHAHAHA"
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil parang lutang pa rin ang utak ko sa nalaman ko.
"Masarap naman ang luto ko?"
"Oo naman po, Sobra. Kung di nyo po naitatanong eh, paborito ko po ang Adobo."
"A-Adobo? Paborito mo rin yun?"
Nagkatinginan sila ni Eula nang tanungin ko siya ng tanong na 'yon.
"Tiyang, ang weirdo mo ngayong gabi. Ano meron?" tanong ni Eula sa'kin.
"Ah, wala. Paborito rin kasi ni Eula 'yang adobo." palusot ko.
"Tiyang, Bicol Express ang paborito ko."
"Ah, sige po. Mauna na ho ako. Alas diyes na rin po kasi. Salamat po sa masarap na hapunan ha. Nice to meet you, Ma'am."
Hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Umalis si Albert ng hindi man lang ako nakapagsalita. Masyado at sobra akong nagulat.
"Tiyang, ayos lang ho ba kayo? Parang weird ka today"
"Ayos lang, Eula. Pahinga ka na."
"Ay naiwan ni Albert yung coat. Ambango talaga. CHAROT HAHAHAHAHAHAHHAAHA."
"P-paano kayo nagkakilala ni Albert?"
"Saka ko na lang ikuwento, Tiyang. Antok na ako eh, pero silipin ko muna si Tito Noli."
"Tulog na ang Tito Noli mo, Eula."
"Okay lang, Tiyang. Sisilipin ko lang."
Pumasok si Eula sa kwarto namin ni Noli. —ang asawa ko.
Niligpit ko ang pinagkainan at hinugasan. Hindi ko alam kung bakit apat na dekada na ang nagdaan, mahirap at masakit pa rin sa tuwing maaalala ko. Habang dumadaloy ang tubig mula sa gripo, kasabay nito ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko.
Masama na ba akong tao kung ninanais ko pa ring maramdaman yung pagmamahal na naramdaman ko noon?
"Tiyang, matutulog na po ak–"
Agad kong pinunasan ang luha ko dahil ayokong mag isip o mag alala si Eula kung bakit ako umiiyak.
"Umiiyak ba kayo?"
"Gaga, naghilamos ako. Sige na matulog ka na."
"Ah, goodnight na Tiyang."
Umakyat na si Eula sa kwarto nya at kinuha ko naman ang kahon na nasa ilalim ng kahoy na upuan.
BINABASA MO ANG
What We Almost Had.
FanfictionAre you ready to love somone who has never finished loving someone?