Present Time
"Gago, seryoso ka Albert? Nag offer ka sakanya noon ng 5 Million? Halimaw." pagreact ni Raf sa akin.
"Alam mo namang ayaw sa'kin ni Tita Rosie. Kaya ko ginawa yun dahil alam kong sasabihan nya ako ng masasakit na salita."
"Ganon ka katakot sa nanay ni Callista? Hayop ka."
Hindi ko alam kung bakit ko tinago ang pagkamatay ni Callista noon. Siguro, ayokong may madalang stress si Tita Rosie at Tito Edgar pagbalik nila ng U.S.
"Bro, sana inamin mo na lang sakanila. Sa ginawa mong yun parang nabastos pa sila."
"...pero, kwento ka na ulit."
Flashback.
Hindi ko alam kung tama ba ang plano ko. Pero ang iniisip ko lang ay ang kapakanan nina Tita Rosie at Tito Edgar para hindi sila mag alala. Ngunit, hanggang kailan?Habang nag iisip ako, tinititigan ko pa rin ang litrato ni Callista na nasa bookshelf ko.
"Pasensya ka na Callista, kung kailangan ko gumamit ng ibang tao para hindi masabi ng Mama mo na pinabayaan kita. I know it sounds selfish na gagawin ko yon para lang hindi ako makatanggap ng kahit anong masakit na salita galing sakanya, pero ginagawa ko rin yun para wala syang bigat na dadalhin pagbalik nila ulit ng U.S." pagkausap ko sa litrato ni Calli nang may biglang kumatok.
"Sir, andyan na po yung binilin nyo na Eula po ata ang pangalan?" bungad ni Jennie sa akin.
"Papasukin mo."
Pumasok si Eula. Naka tattered pants, white shirt at naka rubber shoes.
di ko alam kung boyish ba datingan nito, pero ang ganda pa rin naman nya tignan.
Bare face. Hindi ko alam pero, kahit wala syang kahit anong kolorete sa mukha ang ganda pa rin nya. Kitang kita ko yung freckles nya. Bagay sakanya.
Stop it, Albert. Kamukha lang sya ni Callista.
"Huy, pota. Isang minuto na akong nakatayo dito ah. Di mo man lang ba ako papaupuin?"
"Oh. Yeah. Have a seat."
"Inpeyrnes sa opisina mo, Bongga. Malaki pa ata to sa pag asang yumaman ako. Charot. Mas malaki pa 'to sa bahay namin eh. Kaloka."
Yan na naman sya sa "Charot" nya. hindi ko pa nagu-google kung ano meaning non.
"So, bakit ka nandito?"
"Gusto mo talaga malaman?"
Tumango ako.
"Sige. Pumapayag na ako sa offer mo. Ops. Bawal kiligin ah. Alam kong crush mo ko, pero wag kang kiligin. Charot HAHAHAHAHAAHHAAHAHAHAHAH."
"Baka ikaw may crush sa'kin kaya ka pumayag?" pang aasar ko sakanya.
"WAW ANG LAKAS NG HANGIN DITO SA OPISINA MO, ALBERT. TINATANGAY AKO OH." Reaction nya habang umaarteng tinatangay sya.
Natawa naman ako sa ginawa nyang yon.
"Alam mo, mas guapo ka pag tumatawa ka. Kitang kita kung gaano kakumpleto ngipin mo. Charot. Baka maniwala ka, tumawa ka na lagi. so ano ngang plano mo?"
"Magpapanggap ka lang na ikaw si Callista. Madali lang naman yun, diba?"
"Anong madali don? di naman ako lumaking mayaman, for sure englishera yon. Tapos maganda pa manamit, paano naman magiging madali yon para sa kagaya ko?"
Bipolar ata 'to. Ang bilis magbago ng mood, kanina tatawa tawa tapos ngayon sumusungit. Mga babae nga naman.
"Tutulungan kita. Hindi naman pwedeng hindi ka tutulungan. Lahat ng galaw ni Callista ituturo sa'yo. Pati kilos."
"Pero-"
"Limang milyon na yun, Eula. Kailangan pa ba ng maraming explanations? Isulat mo number mo dito, tatawagan kita kung kailan ako free para maturuan ka."
BINABASA MO ANG
What We Almost Had.
FanfictionAre you ready to love somone who has never finished loving someone?