XI

182 13 24
                                    

Albert's POV

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam kung ayaw lang ako dalawin ng antok o ayaw lang ako patulugin ng kalungkutan.

Gusto ko mang libangin ang sarili ko para antukin, pero paano? Nung nabubuhay pa si Callista, pag hindi ako makatulog hahaplos haplosin lang nya ang buhok ko aantukin na ako.

Namimiss ko na ang mga gabing siya ang katabi ko matulog. Namimiss ko nang matulog nang walang iniisip na problema, lungkot, at pagod dahil sa isang taong pumapawi ng lahat ng 'yon. Ang hirap mangulila sa mga sandaling alam mong imposible at mahirap nang ibalik.

Pero, mas mahirap makaramdam ng pagsisisi kapag napagtanto mong hindi mo sinulit yung mga panahong "pwede pa."

Habang nag o-overthink —na madalas ko namang gawin may nag notify sa phone ko.

It was Eula who texted pala.

Grabe, ang tindi ng pangangailangan nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Grabe, ang tindi ng pangangailangan nito. 2,000 kada oras. Ayos lang, kailangan ko lang talaga ng makakausap eh.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala para hintayin sya. Nakamotor naman si Eula, kaya palagay ko mabilis lang yun makakarating dito. At isa pa, wala namang traffic dahil gabi na.

Narinig ko na ang doorbell, hudyat na andyan na sya.

"Jusko ka, may doorbell pala 'tong bahay mo ngayon ko lang na discover. Tawag ako nang tawag, hindi ka sumasagot, nubayern." salubong nya sa'kin.

"Sorry, I left my phone sa bedroom eh. Malay ko bang hindi mo alam na may doorbell."

Niyaya ko sya sa may pool area para doon kami uminom.

"Umiinom ka ba ng whiskey?"

"Putcha pang mayaman ‘yun, Albert my friend. Baka malasing ako kagad don. Beer na lang."

Ano naman kayang kaso kung pang mayaman yung Whiskey? Eh alak rin naman yun? Hay, I really don't get this girl. But I have to admit that she's cute and entertaining.

Tinupi ko ang dulo ng pajamas ko at binabad ang binti ko sa swimming pool, habang si Eula ay nag indian sit lang sa tabi ko.

"Join me, ibabad mo rin yung binti mo."

"Kawawa ka naman, parang ang alone alone ng dating mo HAHAHAHAHAHAHA. Pero sige, alam kong crush mo 'ko kaya jo-join si watsme."

Bakit ba pinipilit nya na crush ko sya? Goodness.

"Bakit ba hindi ka makatulog?" tanong ni Eula sa akin.

"Hindi ko din alam." malamig kong sagot sakanya.

"Sus, mahilig ka kasing magpuyat kaya ayan nasanay katawan at diwa mo."

What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon