VI

178 14 0
                                    

Eula's POV

Naloka ako. Grabe 'tong bahay. Dalawa silang nakatira rito pero parang buong angkan namin kasya.

"Magbihis ka na ng alas kwatro, Eula."

Patay. Wala kayang pantalon si Callista? Hindi ako sanay magsuot ng bestida. Ano ba tong pinasukan ko? Help.

"Albert, hindi ba pwedeng wag na lang ako sumama? kasi, baka pumalpak lalo pag minadali natin."

"Eula, parents ni Callista ang kikitain natin kaya hindi pwedeng wala ka. Kaya mo yan, naniniwala ako sa'yo." sabay himas sa balikat ko.

Hindi ko alam pero may kung ano si Albert at nadadala ako tuwing titignan nya ako. Yung mga mata nya, parang full of words left unsaid. Punong puno ng emosyon.

"Be ready, Eula ha. Sige, mag ikot ikot ka muna dito. Maliligo lang ako saglit."

Gusto ko sana sabihing kahit di na sya maligo, mabango na sya. Juskolurd, nakakapanghina yung amoy ni Albert. Apakabango! Gigil si ako!

Gaya ng sinabi ni Albert nag ikot ikot muna ako sa bahay nya. Pumukaw sa atensyon ko yung picture frame na nakasabit sa pader malapit sa piano.

Ito sigurong mga hindi nakatingin sa camera, yan siguro ang mga magulang ni Callista

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito sigurong mga hindi nakatingin sa camera, yan siguro ang mga magulang ni Callista. Hindi ko maintindihan, kung bakit magkamukhang magkamukha kami samantalang ang layo ng itsura ng mga magulang nya sa mga magulang ko. Ang yaman ng datingan. ayos ng buhok, postura, pati na yung alahas na suot suot.

Grabe yung picture na 'to. Ang powerful ng aura. Ang gandang babae ni Callista. Pananamit lang naman ang lamang nya sa'kin. Pero kamukhang kamukha ko sya.

Yung mga magulang din ni Albert, ang yaman yaman tignan. Di ko mapigilan mamangha sa larawan na 'to. Akala mo sila yung mayamang pamilya na napapanood nyo sa TV HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Yung pamilyang mayaman pero hindi nagkakaintindihan, Ganorn!

Infairness, mukhang mabait ang parents ni Albert. Nakangiti yung mudji nya eh.
(Mudji, Mother HHAHAHAHAHA)

Narinig ko naman na bumukas yung pinto mula sa taas kaya napalingon ako kay Albert na naka bathrobe ngayon.

Putcha, Rold. Forgive me for I have sin, nagkakasala ako!

Umiwas ako ng tingin habang bumababa sya ng hagdan.

Lumapit sya sa'kin at sinabihan ako na sumama sakanya.

Rold, ayoko pa po bata pa po ako! Charet!

"Saan tayo pupunta?"

"Sa walk in closet ni Callista. Magbihis ka na.  Anong oras na rin kasi."

"Makapagdemand ka naman na magbihis na ako, ikaw nga 'tong naka b-bathrobe pa."

"Oh, shit. Sorry. Sige balikan kita after 10 minutes, magbibihis lang ako. Isipin mong closet mo yan, Eula."

Binuksan ko ang pinto at nagulat na lang ako sa laki ng walk in closet ni Callista.

What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon