II

280 18 2
                                    

Pinunasan ko ang luhang lumabas galing sa mata ko. Hindi naman titigil ang ikot ng mundo dahil lang iniwan ka ng isang tao.

Ang di ko lang maintindihan, kung ano man sana ang hindi mapagkunawaan pwedeng pag usapan. Hindi naman kailangang umalis na lang.

May mga tao nga lang talagang mabilis yung pagpasok sa buhay mo, mabilis ding mawawala.

"Bangon, Albert." Pag encourage ko sa sarili ko na bumangon.

Naligo ako bago pumasok sa trabaho. Malamang.

Manibela at nakakaurat na traffic sa Manila na naman ang kaharap ko.

Pinarke ko na ang sasakyan ko at pumasok na.

"Morning, Sir Albert." Bati ng Guwardiya na si Manuel. Lagi namang ganto ito eh.

"Morning. Maayos ba lahat?"

"Ayos na ayos, Sir."

"Sir, You're here na po pala. Mr. Lopez will arrive soon for your 12PM meeting." Salubong ng secretary kong si Jennie.

"Okay. Na-cancel mo na ba yung 4PM ko? Ikaw na lang magdala ng papers don. Mas may importante akong gagawin kesa ako ang magbigay ng mga papers."

"Nakausap ko po si Ms. Cardinal, sabi nya okay lang naman daw po kung ako na lang. Naintindihan daw po nya."

"Okay, maayos naman pala sya kausap."

Tumunog na ang Elevator, hudyat na nakarating na ito sa 18th floor. Kung saan ang opisina ko.

"Jennie, si Raf ang ang ka meeting ko mamayang 4PM. Pakisabihan ang lahat na ayoko ng istorbo ng 4-6PM. Do I make myself clear?"

"Yes, Sir. Noted."

"Good. You can go now, ayusin mo ang mga e-mails ha."

Lumabas na si Jennie at Mesa na lang ang kaharap ko ngayon.

Inikot ko ang swivel chair ko para tignan ang bookshelf na nasa likod ko.

"Tayong dalawa na naman, Calli

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tayong dalawa na naman, Calli." Pagkausap ko sa Litrato ni Callista na nasa Bookshelf ko. Calli, yun ang tawag ko sakanya.

Kung alam ko lang na kukunin ka kaagad sa'kin, sana pala minuminuto kong sinabi sayo kung gaano kita ka mahal.

Patawad, kung hindi mo naramdaman kung gaano kita kamahal. Akala ko kasi, makakaya mo. Akala ko lalaban tayong magkasama. Pero, sumuko ka kaagad. Madaya ka, Calli.

Hindi man lang tayo ikinasal bago ka kinuha sa'kin. Ang daya mo talaga. Ang daya talaga ng mundo.

Habang nakatingin ako sa litrato nya, nakarinig naman ako ng katok mula sa pinto.

Inikot ko ang swivel chair ko at hinarap ang sarili ko sa direksyon kung nasaan ang pinto.

"Come in."

What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon