Flashback.
Naisip kong puntahan kung saan nagtatrabaho si Eula. Kailangan ko sya.
Umalis akong mag isa dahil may inaasikaso daw si Raf. Tangina talaga. Sanay naman na pala akong mag isa, ano bang bago?
Agad naman akong nakarating sa lugar kung saan ako uminom kagabi.
Pumasok ako at tinanong kung Regular ba si Eula dito at nalaman kong isang buwan lang ang kontrata nya at matatapos na ito sa loob ng dalawang linggo.
"Asan ba sya?" Tanong ko sa manager na nakaencounter namin kagabi ni Raf.
"Kursunada mo ba, Sir?"
"Kung sabihin kong 'oo', eh ano naman yun sa'yo?"
"Wala sir. Natanong ko lang. Pero andun ho sya sa lamesang yun. Ayun oh."
Nakita ko si Eula na nakaupo at umiinom. Beer pa ata ang iniinom nito.
Pumasok ako at pumunta kung saan nandoon si Eula.
"Ay Ser, kayo pala yan. Ginagawa mo dito?"
"May ipapakiusap lang ako sa'yo."
"Hindi ko binebenta katawan ko, Ser. De biro lang. Ano ba yon Ser?"
"Kailangan mo ba ng extrang trabaho?"
"Okay lang kahit ano basta wag illegal ha."
"Kailangan mo kasi maging-"
Naputol ang sasabihin ko nang tawagin sya ng kasamahan nya, I think.
"Eula, si Ate Gie bukas na."
"Ay sandale!"
"Ser, lika. Dun natin ituloy yung sasabihin mo."
Niyaya naman nya ako sa ihawan na pinuntahan namin ngayon.
"Ser, kumakain ka ba ng isaw? Di bale na nga. Gie, limang isaw nga."
"Hindi na, Calli ay este Eula. Wag ka na mag abala."
"Sus, Masarap yan ser. Palibhasa pang mayaman yang dila mo HAHAHAHAHAHAHA!"
"...ano nga pala yung sasabihin mo, Ser?"
"Gusto ko lang kasing tumulong, nalaman ko kasi na matatapos na kontrata mo dyan sa pinapasukan mo."
"Ano bang trabaho, Ser? Lahat naman kaya ko gawin. Kaya ko maglinis, magluto, kumanta, etc etc!"
"Andami mo palang kayang gawin. Ang sipag ah."
"Hehe. Eh kailangan, Ser eh. Nastroke kasi yung Tiyuhin ko. Kailangan mag therapy therapy kineme latik non."
"Magkano ba kailangan mo para don?"
"Mga 100k siguro Ser. May mga gamot pa kasi yun. 10k pa lang ipon ko eh, kaya pag singer ako sa gabi, Kahera ako sa umaga. Kayod kayod. Hahahaha. Mahirap ipanganak ng mahirap, Ser pero mas mahirap siguro pag namatay kang mahirap."
Habang nakikinig ako kay Eula, nainis ako sa sarili ko. Nagpapakalungkot ako sa buhay samantalang marami naman akong pera. Tapos sya, positibo lang sa buhay at nagsisikap para makaahon ng kaunti.
"Uy, Ser. Natahimik ka?"
"Wala. Naisip ko lang, swerte ng pamilya mo sa'yo. May taong handa gawin lahat para sakanila."
"Asus, HAHAHAAHAHAHHA. Oh, kainin mo to ah. Kakanta na ako sa harap. May request ka ba? May tip dapat ah. Charot. Ano nga, May request ka ba?"
"Starting Over Again."
BINABASA MO ANG
What We Almost Had.
FanfictionAre you ready to love somone who has never finished loving someone?