X

181 12 25
                                    

The Past of Fabian, Marcia, Bellia, and Noli.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, naudlot ang pag iibigan ni Marcia at Fabian.

Alam ni Marcia na magpapakasal sina Fabian at Bellia sa darating na Abril kaya minabuti nyang hindi na magpakita kay Fabian.

Abril 21, 1975.

Marcia's POV

Usap usapan na dito sa lugar ng aming barrio, na matutuloy ang pag-iisang dibdib na napagkasunduan ng dalawang pamilyang Santillan-Martinez.

Ang sakit palang malaman na ibang tao ang kasama nya buuin ang pangarap at iba ang kasama nya sa mga panibagong bukas pa na magdaraan. 

Hindi ko alam kung bakit dinala pa rin ako ng mga paa ko sa simbahan kung saan kami unang nagkita at pinangarap magpakasal.

Saksi ang mga Santo na nasa loob ng simbahang Santa Maria Magdalena

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Saksi ang mga Santo na nasa loob ng simbahang Santa Maria Magdalena. Alam kong naririnig nila ang mga panalangin ko sa maaring mangyari sa amin ni Fabian.

Kaso, wala na. Hindi na ako ang babaeng pakakasalan nya sa simbahan na 'yon.

Ang bigat sa pakiramdam panoorin ang mahal mong ikinakasal sa iba.

Siguro nga sadyang ganon, kahit pa pakiramdam nyong tama ang nararamdaman nyo para sa isa't isa, kung pilit kayong paglalayuin ng tadhana wala talaga kayong magagawa kahit pa hindi nyo gusto ang mapalayo sa isa't isa.

Nagdampian ang mga labi nina Bellia at Fabian. Malayo man ako, nakikita kong hindi masaya si Fabian. Alam kong napilitan lang sya sa lahat ng nangyayari ngayon.

Kumawala ang mga labi nila mula sa pagkakadampi nito, kasabay ng pagkawala ng mga labi nila ang luhang nagpupumilit at nagkukumawala na kanina ko pa pinipigilang pumatak at umagos, na nanggagaling sa mata kong nakakadama ng hinagpis.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagtagpo ang mga mata namin ni Fabian.

Nabasa ko ang labi nya habang sinasabi ang "Marcia?" maglalakad na sana papuntang direksyon ko si Fabian nang maramdaman kong may humila sa akin at itinago ako.

Liningon ko kung sino ang humila sa akin papalayo sa direksyon na yon. — Si Noli.

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Kapag nakita ka ng pamilyang Martinez, iisipin nilang nag iiskandalo ka at nagpaplano kang tumutol sa kasalan ni Fabian at Bellia."

Hindi ko alam ang maari kong maramdaman sa oras na ito. Naririnig ko naman kung ano ang sinabi ni Noli sa akin, pero hindi ko alam. Tila ba nabibingi ako ng hinagpis at kalugmukan kaya hindi ko pinansin ang sinabi nya.

What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon