XIV

182 14 24
                                    

Albert's POV (present time)

"Funny pala talaga si Eula no? Hahahaha. May sense of humor, lalo na yung kinwento mong pinsan nya. Kaya siguro di mo makalimutan si Eula eh."

Binatukan ko si Raf dahil sa sinabi nya sa'kin. But, It's true. Siguro isa sa rason kung bakit hindi ko sya makalimutan, dahil sa pagiging kalog nya. Napapasaya nya ako sa mga ganung bagay.

"Al, naalala mo nung nagbirthday si Tita Rosie? Grabe pre ang sweet nyo ni Eula non, galing nyo magpanggap lalo na nung slowdance nyo brad."

Flashback.

Today is March 9, Tita Rosie's birthday. I reminded Eula na 6 ang start ng party so she must be here at 3PM dahil aayusan pa sya at ba-byahe pa kami papunta sa venue.

I just finished taking a bath when Eula texted me that she's outside na.

From: Eula

𝚃𝚒𝚝𝚘 𝙰𝚕𝚋𝚎𝚛𝚝, 𝚗𝚊𝚗𝚍𝚒𝚝𝚘 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘 𝚜𝚊 𝚕𝚊𝚋𝚊𝚜. 𝙱𝚞𝚔𝚜𝚊𝚗 𝚖𝚘 𝚗𝚊 𝚙𝚒𝚗𝚝𝚘, 𝚙𝚕𝚜.

𝙰yoko naman syang pag antayin and even though I have no choice, I opened the door while Im only wearing a towel on my bottom part.

"Ay jusko Maria Callista mahabagin." bungad ng pinsan ni Eula na si Ina pagbukas ko ng pinto.

"Pasensya na ah, sakto kasing kakatapos ko lang maligo nung nagtext ka." I apologized.

"Ah h-hindi, okay lang. S-Sige magbihis ka muna." Eula replied while she's not looking at me.

"Uhm, Euls diba alam mo naman kung saan yung walk in closet ni Cali? Punta na lang kayo dun para mag ayos."

"Ah, sige. Tara, Ina?"

Eula's POV

Pumasok kami sa Walk In Closet ni Callista at bumungad sa'min ang dark blue na gown na may pakislap kislap chuchu kemverlu, hindi ko alam kung paano mag describe ng gown pero basta ganon sya.

(bobita yung author guys, sorry.)

"Ang bongga naman pala ng isusuot mo, Julietta. Anong klaseng birthday ba yon? Putcha daig pa 'ko nung nanay ni Callista nung nag debut ako ah sobrang bongga HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."

"Alam mo, Anghelita ewan ko ba sa pamilya nila. Kung bakit ba required maging bonggacious yung birthday, isang araw lang naman yun."

"Hirap magets ng mayayaman no? Sige na, upo ka na. Aayusan na kita at baka malate kayo ni Papi Albert at magwala si Dragona Louisiana pati yung Nanay nanayan mo!"

Natawa naman ako sa sinabi nya, totoo naman kasi sya. Masarap maging mayaman pero sobrang kumplikado ng buhay. Birthday lang kailangan nakagown pa, galing talaga.

——————

Albert's POV

I just finished preparing for Tita Rosie's birthday. I decided na pumasok na sa walk in closet because I'm expecting na tapos na sila. Hindi naman na kailangan pa magpaganda pa ni Eula, she's gorgeous naman even without makeup.

What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon