XVI

148 13 18
                                    

Present Time.

Albert's POV

"So ibig sabihin, after nung birthday ni Tita Rosie hindi na sya nagpakita?— Wait, hold on, tumatawag yung investigator." asik ni Raf.

I just nodded at ininom ang natitirang whiskey sa baso ko. Kung kaninang tanghali kape ang iniinom namin ni Raf, ngayon alak na.

"Ano? Akala ko ba kakauwi lang? Kaya pala nagtataka ako almost 5 months pa lang ang nagdaan. By the way, makipagkita ka sa'kin bukas. I need those pictures, ha? Okay. Thank you." si Raf.

"Oh, ano daw sabi?" I asked.

"False information daw, Al. Hindi galing ng Japan si Eula, sinabi lang yun para hindi daw sya hanapin. Then my, I mean your investigator told me na nakita daw nya si Eula doon sa place nya. Meron daw syang pictures, magkikita kami bukas para ibigay sa'kin."

I just nodded. Nagtatago at tinataguan nya pala ako.

"Bro, buti na lang talaga 'no perfect timing. Nung biglang umalis si Eula, saka naman nangampanya si Thirdy sa pagiging mayor nya sa bayan ng San Isidro."

"Oo, kailangan si Tito Edgar at Tita Rosie sa pangangampanya dahil dating Mayor si Tito Edgar ng San Isidro. Kailangan sila don, buti nga at biglaan ang alis nila. Hindi na nagkaron ng chance na makapagpaalam si Tita Rosie kay Eula I mean Callista dahil kung nagkaron, malamang buking tayo."

"Pero bro, maiba tayo..."

"Ano yun?"

"Bakit mas pinili mong itago yung katotohanan at hanapin si Eula, kesa sa sabihin yung totoo kay Tita Rosie? Ano bang meron si Eula?" tanong ni Raf.

Honestly, hindi ko rin alam. Siguro dati, talagang iniisip ko yung mararamdaman ni Tita Rosie. Pero ngayon, alam kong may iba pang dahilan. Si Eula.

"Raf, hindi ko rin alam. Pero one thing's for sure, Gusto ko si Eula. Hindi ko lang sya basta kailangan, I want her."
I spoke.

"Al, alam mo namang susuportahan kita sa kung sino o ano ang makakapagpasaya sa'yo. It's just that, mag iisang taon pa lang simula nung nawala si Callista. I know naman na sinabi sa'yo ni Callista bago sya mawala na gusto ka nya maging masaya, pero Al. Respeto na lang muna siguro, Lahat 'to, Al temporary lang. Hindi habangbuhay kasama mo si Eula, lahat 'to pagpapanggap lang. Sinasabihan kita, hanggang kaya mo pa. Hanggang kaya mo pa pigilan, pigilan mo. Sige, uuwi na ako. 9 PM na eh. Magkita na lang ulit tayo bukas, bro kasama nung investigator. Thanks sa kwento, Hahaha."

Hindi ko alam, kada na lang iisipin ko sya at yung mga nangyari sa'min hindi na lang talaga ako nakakapagsalita. Hindi ko alam kung magagalit ba ako, masasaktan, maluluha, o pagpapahingahin muna yung nararamdaman ko. Ayoko syang sukuan, dahil nakikita ko sa mata nya na parehas kami ng nararamdaman.

————

N

akarating ako sa opisina ko ng 11 AM. Hawak ko naman ang oras ko, isa pa may paper works lang akong pipirmahan at sabi naman sa'kin ni Jennie wala pa akong nakaschedule na meeting today. 1 PM ang usapan namin ni Raf, kasama ng investigator.

I entered my office then I immediately sat on my swivel chair. Inumpisahan ko na ang pagpirma ng paperworks, Tatlong folder lang naman ito pero 20 pages per folder.

What We Almost Had.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon