Bloody 4: Her Disguise
West Harris.
Nakahinga ako ng maluwag dahil walang guards na nagbabantay sa basement. Putcha. Sa lahat ng buwis buhay na misyon na naranasan ko, dito lang ako pinaka kinabahan. Ba't ba kasi ang tapang ng babaeng to? Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak niya.
"The empress must have underestimated me, huh? How wonderful." I glanced at her. See? How can she look so relaxed and carefree?
Kahit naka uniform siya na para sa mga helpers ay di ito nakaapekto sa presence niya. She has this nonchalant but sinister vibe. Parang laging may panganib kapag tumingin ka sa mga mata niyang mas mapula pa sa dugo.
She wore a specialized brown contact lenses today, though. Kaya kahit papaano ay naging warm ang mata niya.
"Shet, kinakabahan ako. Atras na kaya tayo?" Reklamo ko sa dalawa. Diretso lang ang tingin ni Roen at parang di ako narinig. Agad ko namang naramdaman ang matalim na titig sa akin ni Claire. Putek, isa pa to. Lagi nalang galit. Kala mo menopause na eh.
"Bading ka ba? Ha?! Ikaw nga tong lalaki kaya ikaw dapat ang nasa unahan!" She gritted her teeth while talking. Halata mong pigil na pigil dahil baka may makarinig sa amin. Pftt.
Sasagot pa sana ako nang nakita kong wala na si Roen sa unahan namin. Fuck, where is she?!
Nauna na pala siya at ang layo na niya sa amin. Shit. Maingat kaming tumakbo ni Claire para maabutan siya. Why is she so fast?
"Why are you panting? Did you guys joined some marathon race?" Naglalaro ang mapang asar na ngiti sa kanyang labi.
"Bitch you scared me! Paano kung may masamang nangyari sayo ha Roen?! You bitch!" Nakapamewang na sermon ni Claire na umirap pa.
I sighed. Ginulo ko ang buhok ni Roen dahil ayoko nang dugtungan pa ang sermon ni Mother Claire.
Lagi man kaming nagbabangayan niyan ngunit nagkakasundo kami when it comes to being protective of Roen. Mas matanda ako sa kanya ng walong taon kaya parang bunsong kapatid na ang turing ko sakanya.
She's our precious treasure. Kung wala siya ay baka napariwara na ang buhay ko dahil sa mga kagagawan ng royal family sa mga mahal ko sa buhay.
We all have our tragic stories. Akala ko huli na ang lahat. Akala ko ay wala nang mas sasakit pa sa pinagdaanan ko.
But everything changed when I met her. I realized that I was wrong. Hindi ko lubos maisip kung paano niya natiis na makulong sa isang tagong lugar. She saved us. Kaming team.
We will do everything to help and protect her. Kahit buhay ko pa ang nakataya.
"Ouch." Napahawak ako sa abs ko na pabirong sinuntok ni Roen. Sakit nun ah.
"Don't mess with my hair today, dude. We have a mission." She said while fixing her hair lazily. Natawa ako dahil imbis na umayos iyon ay lalo pang gumulo. Ang bigat talaga ng kamay.
"You witch. Ako na nga! Sumasakit ulo ko sa inyong dalawa." Inis na reklamo ni Claire at inayos ang naka bun na buhok ni Roen.
Mabilis ngunit maingat na inayos ni Mother Claire ang buhok ni Roen. Hayy, ang mag ina ko talaga, ang cute.
"Nak, ready ka na pumasok sa school? Ihahaitid ka namin ni mommy." Pabiro kong sabi at hinawakan ang balikat ni Claire. I'm sure mamumula to sa galit.
"What the fuck?!"
And I was right! Malakas niyang sinipa ang binti ko. Hindi pa man din nagsisimula ang plano namin, sumasakit na katawan ko.
"Stop irritating her, dude. Sa susunod ay baka iba na ang maisipan niyang sipain." Tinapik pa ni Roen ang balikat ko. Her lips were upturned into a sly smile. Bahagya pa siyang tumingin sa ibaba at nginisian ako. Napatawa ako ng malakas pero natigil ako nang masamang tumingin sa akin si Claire.
BINABASA MO ANG
The Blood Empress
FantasyShe wears an innocent smile to conceal her murderous thoughts. She looks harmless with her angelic face but behind it lies a bloodthirsty demoness. A sly demoness that loves to play with her enemies, Tricking them by gaining their trust while slowly...